Dali-daling umuwi si Doctor Ellise sa naturang pribadong tirahan ni Jane kung saan ay na nunuluyan rin si Kimneth Santiban. Nang huminto ang kaniyang sasakyan ay agad niyang kinuha ang mga pinamili niyang prutas na nasa luob ng isang basket. Mahinahon siyang pumasok at pinagtitingnan ang kaniyang paligid. Nagbabadya ang gabi at ang araw ay palubog na. Pagkapasok niya sa naturang lugar ay pinaghahanap niya si Kimneth. “Kimneth! Kimneth!” pagsisigaw niya habang humahakbang ito papasok sa bahay. Pero walang Kimneth na lumapit sa kaniya. Agad niyang pinatong ang basket na punong-puno ng prutas at kinuha ang isang mansanas. “Nasaan kaya si Kimneth?” tanong nito sa kaniyang sarili. “Kimneth!” patuloy ang kaniyang pagsisigaw at paghahanap. Mula sa sala, hapagkainan, hardin at silid walang Kimn

