Mula sa ospital na pinagmamay-arian ni Jane ay agad na inilipat si Kimneth sa isang pribadong lugar. Nagawa mang makita ni Ellai ang dating asawa nito pero hindi niya nakikilala ang bagong anyo nito. Ginawang personal doctor ni Kimneth si Ellise habang si Jane naman ay maya’t maya ang pagdalaw sa kababata nito. Nakarating rin sa sa kaniya ang tungkol sa pagkitang nangyari kina Ellai at Kimneth. Natuwa ito sa resulta pero bahagya ring nakaramdam siya nang pagkabahala. “Isang buwan ka mamamalagi dito,” saad ni Jane. Hindi naman tumanggi si Kimneth sa sinasabi ng kaniyang kababata. “Kung iyan ang gusto mo.” Nakatingin lang si Ellise habang nag-uusap sila. Sumusubaybay man pero nakikinig lang ito. “Sasamahan mo siya Doctor Ellise hanggang sa maabot niya ang gusto niyang katawan,” pagsasabi

