(Kimneth’s POV) Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang sandaling kukunin at una kong masilayan ang aking mukha pagkatapos ng mahabang paghihintay. Nakaupo ako at nasa aking tabi sina Jane at Doctor Ellise. Magkahalo ang kaba at tuwa sa aking puso na hindi ko na maiintindihan pa. “Tatanggalin ko na ang benda na nasa iyong mukha,” pangiting saad ni Doctor Ellise habang may hawak itong gunting. Ramdam ko ang unti-unting pagkuha ng doktor sa bendang nagtatakip sa aking galit, pasakit at hinagpis sa mahabang panahon. Nanginginig ang mga luhang ko na gustong pumatak pero ang damdamin nang paghihiganti ang siyang umaapaw sa akin. Sa pag-abot ng kababata kong si Jane Han Lim sa salaming hawak nito ay nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Kinuha, inangat at unti-unting naaninag ang mukh

