HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikalimampung Kabanata “WALA KA BA TALAGANG balak na basahin o silipin man lang ang laman ng mga dala kong reports, dirk?” Untag kay Ivor ng kanyang kaibigan at fratmate na si Creed Cassius Caharian– ranked as a Captain in the revolutionary army. Bakas ang pagkainip sa tinig ng kanyang kaibigan. Si Creed ang karaniwan nilang takbuhan sa tuwing may ibig silang makuhang impormasyon. Mapa–simple man o lubhang confidential ay hindi sila binibigo ng kakahayahan at kapasidad ni Creed Caharian. Mapapasakamay at mapapasakamay nila ang alin mang intelihensiya na ipapatrabaho nila kay Creed. And Ivor disturbed Creed’s vacation more than a week ago para sa isang bagay na nagsimulang bumagabag sa kanya. Isang bagay na kailangan

