HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikalimampu’t Isang Kabanata “NGUNIT MAS NAPAPAHANGA ako sa liberalidad mo, dirk. Mantakin mo ba namang nagagawa mong hayaan ang babaeng iyon na waldasin ang salapi mo sa paglilibot sa mundo kasama ang erpats mo.” Patuloy ni Creed sa mas naaaliw na tinig. Kung anu-ano na lamang ang pinag-iinteresan nitong galawin sa mga gamit ni Ivor upang maibsan ang pagkaburyo nito. Nag-uusap nga sila ni Ivor ngunit batid ni Creed na distracted ang isip ng kaibigan. Nagkibit ng balikat si Ivor. “I wouldn't mind as long as I have an assurance that they are staying away from me and from baby Ishmael.” Sa Hawaii ang napiling honeymoon destination ni Mavis para sana sa kanila ni Ivor. Hindi pa man nabibigyan noon ng katiyakan ni Ivor

