HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikalimampu’t Siyam na Kabanata HALOS NASUSUGATAN NA NI SEREIA ang sarili dahil hindi niya mapigilan na idiin ang mga kuko sa kanyang palad while balling her hands hardly. Pakiramdam niya ay kakainin na ng dilim ang kanyang malay-tao sa labis na nerbiyos at takot na nararamdaman. Pagdarasal. Paulit-ulit na tila walang patid ang tanging nagagawa ni Sereia sa kanyang isip. Her fidgeting hands suddenly held by a large hand, obviously stopping her from digging her nails against her palms. Bumaba ang nag-iinit niyang mga mata sa kamay na humawak sa kanya at dahan-dahan nilingon ang may-ari niyon. “I said stop it, Sereia, my love. You are hurting yourself. Can't you see?” Banayad na suway sa kanya ni Ivor na siyang kasulu

