HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikalimampu’t Walong Kabanata KATAHIMIKAN ANG SUMALUBONG kay Ivor nang nasa front porch pa lamang siya ng bahay ng pinsan na si Drake Aronzado. He came to Drake’s house unannounced for two reasons. Una’y kukunin niya ang anak ni Sereia na si Amber para isama ito sa bahay nila. He wanted the kid to stay with them dahil wala nang balak pa si Ivor na hayaang makalayo sa paningin niya si Sereia at ibig sabihin lang noon ay kukunin niya rin si Amber. Ikalawa niyang dahilan sa pagpunta sa bahay ni Drake ay upang kausapin ito. Heck! He doesn't even got a concrete idea kung paano niya sasabihin kay Drake na naroon siya upang ipamukha rito that no one else has the right to marry Sereia de Avila Innocénti. No one but him! Buk

