HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikatatlumpu’t Anim na Kabanata TAHIMIK NA NAKAUPO si Sereia sa retro lawn chair, ang rim ng cocktail glass na hawak ay nakalapat sa kanyang pang-ibabang labi subalit hindi naman siya sumisimsim sa laman niyon na watermelon cocktail. Malalim ang kanyang pag-iisip. It has been two days since the Chief of Hospital talked to her about the overseas medical mission trip na gagawin sa Pilipinas. At sa humigit pitong libong isla sa Pilipinas ay nagkataon pa talagang isa ang Las Palmas sa napiling pagkakalooban nila ng medical service. Not that she was against with it. Ang labis na pinag-aalala ni Sereia ay ang siyento prosiyentong posibilidad na magtagpong muli ang landas nila ng lalaking pilit niyang kinakalimutan. There i

