HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikatatlumpu’t Pitong Kabanata NAPAHINTO ANG MAKEUP artist sa pag-aayos sa bride nang basta na lamang pumasok sa master's bedroom ang kuwarenta y tres años na si Marcella Imperial. Marcella is Mavis’ older sister. “Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa mapapangasawa mong iyan, Mavis!” Padabog itong naglakad palapit sa queen sized bed kung saan nito iniwan ang cigarette case nito. Yamot itong nagsindi ng sigarilyo. “Ate Cel...” “Don’t Ate Cel me, Mavis! Nasa Cathedral na ang mga tao pero ang groom, ayon at humihilik pa at ayaw pang magbukas ng pinto. Ano? Hindi ka man lang ba nababahala na baka magmukha kang tanga mamaya sa harapan ng altar dahil hindi ka sinipot ng groom mo?” Labing-isang taon ang tanda nito kay M

