HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikatatlumpu’t Walong Kabanata TAHIMIK NA LUMABAS SI IVOR mula sa kanyang silid wala pang isang oras nang iwan siya roon ni Mavis. He wore his groom suit unpresentably ngunit wala man lamang siyang pagkabahala roon. For him, it's like a one f*****g normal, boring days of his life. Mula sa kanyang silid ay sinadya niyang dumaan sa nursery room upang sana ay silipin si Ishrael ngunit tila may pumigil sa kamay niya sa pagpihit ng doorknob at napasulyap siya sa pinto ng librerya. Mula nang mapagdesisyunan niyang bumalik sa bahay na iyon na pagmamay-ari ng nakagisnan niyang ama na si Isidore Innocénti ay hindi na pinahintulutan ni Ivor na may pumasok na kung sino sa librerya. Kung wala siya ay mahigpit niyang ipinag-uutos

