Hindi na mapakali si Yana sa pagkatuklas na buntis siya. Gustong-gusto niya nang sabihin kay Raji. Hindi na yata niya mahihintay ang isa pang buwan para ipagtapat ang magandang balita. "Aalis si Raji mamaya. Ako na lang ang pupunta sa OB-Gyne dahil baka tumawag 'yun," bilin niya kay Fe nang puntahan niya ito sa puwesto. "Sigurado ho kayo, ma'am? Magpahatid na lang ho kayo sa driver." "Malapit lang naman, kaya ko nang mag-taxi." "Naku, magagalit ko si Sir Raj. Bilin na bilin ho niya na huwag kayong palalakarin mag-isa." "Dalawang kanto lang naman ang layo. Isa pa, babalik din ako kaagad." Patungo naman siya sa opisina ni Raji para itanong kung may ipagbibilin ito bago umalis nang makasalubong niya ang isang sopistikadang babae. Galing ito sa opisina ng asawa niya. "Lilac? Is that yo

