PAHARUROT na binabaybay ni Raji ang kahabaan ng Ayala Avenue patungong Zenclub kung saan naroon ang isang kaibigang si Matteo Buencamino. May-ari ito ng isang security company. Palaisipan sa kanya kung saan nakuha ng lalaking 'yun ang email address niya para ipadala ang mga larawan kung saan yakap nito ang asawa niya. Someone close to him was betraying him. Nag-iisip siya kung si Lilac ba 'yun dahil panay ang lapit ng dating kasintahan sa kanya ngayon. Nagmagandang loob pa ito na bigyan siya ng pinakamagandang offer para sa marriage proposal na gusto niyang ibigay kay Yana. Balak niyang pakasalan ito sa simbahan sa third wedding anniversary nila. Ang totoo'y hindi siya kay Yana nagagalit. O kung galit man siya sa asawa ay dahil sa pagiging mapagtiwala nito sa taong nakapaligid d

