Chapter 48

1505 Words

Hindi pa rin maalis ang inis niya kay Raji kahit sabay na silang kumain ng almusal. Palagi itong nagbibiro kahit sinisimangutan niya. Wala na talaga siyang balak na pumasok sa kumpanya nito. "What's your favorite color?" tanong nito habang patungo sila sa garahe. Kumunot ang noo niya. Saan nanggaling ang tanong na 'yun? "Black." "Black?" "Oo." "Parang wala naman akong nakitang damit mong itim kahit isa?" "Black 'yung kulay ng buhok ko, 'di ba?" Tumawa si Raji pero pinigilan din nang makitang umirap siya. "Favorite flowers?" "Santan." "Hmmm... That's an excellent choice," sang-ayon naman nito na sinasakyan na ang pang-iinis niyang mga sagot. "Paborito kong pagkain, hindi mo tatanungin?" "Ano nga ba?" "Pritong tuyo." "Hindi ba ako?" Kumindat ito na inirapan niya ulit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD