Sinadya talagang tagalan ni Alyana ang pagbibihis na lalong ikinainis ni Raji. Istrikto siya sa oras ng trabaho. At dahil sa Makati pa ang opisina, matatrapik na silang tiyak dahil alas otso na. Hindi nga lang niya maakyat si Alyana sa silid nito ngayon dahil hindi niya na ito gustong makasama sa isang silid baka doon pa siya bumigay. Ilang beses niyang minura ang sarili dahil nag-init ang pakiramdam niya kaninang makita itong suot lang ay tapis na twalya. Tinawag niya ang katulong at inutusang sabihin kay Alyana na iiwanan niya ito kapag hindi pa ito bumaba. Isang minuto na lang ay sampung minuto na. Limang minuto lang ang ibinigay niya kay Alyana. Maya maya ay nakasunod naman ito sa katulong pababa sa grand staircase. Naka-black mini skirt ito at pink long-sleeve blouse at high heels n

