"Hindi na malalapitan pang muli ng mga Burman ang anak natin," narinig niyang wika ng Papa niya na kausap ang Mama niya. "Bakit mo ba kasi ipinain ang anak mo at inisip na siya ang magiging kabayaran sa kasalanan natin sa kanila?" tila paninisi naman ng Mama niya sa ama. "Ang akala ko ay mapapabuti si Yana sa mga Burman, mahal. Ipinagkatiwala ko siya kay Raji para hindi na sana nila hahabulin pa ang pagkakautang natin. Pero buhay at kinabukasan ang hiningi nilang kapalit! Bayad na tayo sa kanila, mahal! Ihahabla ko sila sa ginawa nilang ito kay Yana!" Halata ang galit sa tinig ng ama. Hindi niya maigalaw ang paa at madilim ang paligid niya. Alam niyang nakadilat na siya. "M-ma... P-pa..." Pilit niyang nilakasan ang tinig para marinig siya ng mga magulang. Nasaan ba sila? B

