"Hindi nila puwedeng ilayo sa 'kin si Yana, Samir. She's my wife now!" galit na wika ni Raji sa kapatid nang makabalik sila sa silid. Napag-alaman niya sa isang nurse na nagkamalay na si Yana at nakausap na ng doktor. Ang sabi pa ng nurse ay hindi pa ito nakakakita kaya lalo siyang nag-alala. Pero kahit anong pilit niya na makita at makausap si Yana ay hindi siya pinagbigyan ng ama nito. Nauunawaan niya. Hindi biro ang nangyaring ito kay Yana na kahit siya ay hindi mawala ang galit sa driver ng truck na bumangga sa kanila. Naiintindihan niya ang lalim ng galit ni Mr. Manriquez sa kanya dahil siya ang dahilan ng lahat ng ito. "Hindi mo nga puwedeng ipagpilitan ang karapatan mo sa ngayon dahil wala ka pa namang pruweba." "Si Judge Fred ang pruweba ko!" "And then what?" "Pumirma si Yana

