Maagang nagising si Alyana kinabukasan pero hindi siya bumangon kaagad. Bumalik ang kaba niya kagabi habang iniisip kung paano ba akitin ang isang Raji Burman. Alas syete na nang bumangon siya at inayos ang kama. Sinadya niya talagang huwag bumaba para akyatin siya ni Raji. Pero laking dismaya niya nang katulong ang unakyat para sabihing naghihintay na si Raji sa hapagkainan. "S-sige ho, bababa na ho ako." Napilitan siyang magbihis ng t-shirt at maong na short dahil hindi naman siya puwedeng bumaba nang naka-nighties. Nakakunot na ang noo ni Raji habang humihigop ng kape. "Hindi ka pa naliligo?" tanong nito. Mabuti at wala itong ibang kasama sa hapagkainan. "H-hindi pa. Masama kasi ang pakiramdam ko kanina." "Do you feel better now?" "Oo. Medyo okay na..." "Huwag ka kasing nagpapal

