"Sino ang nasa ospital?" tanong ni Fe nang ibalik ni Yana ang telepono sa sekretarya ni Raji. "Si Mama. May diabetes kasi siya." "Kaya ba kailangan mong magtrabaho?" Marahan siyang tumango. Hindi niya masabi na wala naman talaga silang napag-usapang sahod ni Raji. Ang alam niya'y magbabayad siya ng utang ng pamilya nila kaya't wala siyang aasahang sahod. "Gusto ko ngang isanla 'tong kwintas ko, kailangan kasi namin ng pera pag lalabas na si Mama sa ospital." "Magkano ba ang kakailanganin mo? Bakit hindi ka humiram na lang kay Boss?" suhestyon naman nito. "Huwag na nakakahiya. Bago pa lang ako dito tapos hihiram kaagad ako." "Naku, huwag kang mahihiya kay Sir Raji, mabait 'yan. Magsabi ka lang. Ako nga marami pang cash advance sa opisina eh." Isang tipid na ngiti ang isinag

