Alas nueve nang matapos siyang mag-ayos ng sarili. Mas makapal nang kaunti ang nilagay niyang makeup at gumamit siya nang mamahaling pabango na tinitipid niya noon pa. Kaya naman talaga niyang makipagsibayan ng ganda sa mayayamang kaibigan ni Raji. Kaya naman siya kinuhang pretend girlfriend ng binata ay dahil alam nitong panlaban din talaga ang s*x appeal niya. Suot ang damit at sapatos na binili nila ni Raji, lumabas siya ng silid at kumatok sa katabing silid kung saan naka-check in ang binata. Naka black amerikana ito na lalong tumingkad ang angking kakisigan. A drop-dead gorgeous man who would take her breath away. Kung noong una ay kumukulo ang dugo niya sa binata sa inis, ngayon ay lumulukso ang puso niya sa kaba tuwing magkakalapit sila. "Hindi ako late," wika niya kay Raji na

