Nakita ni Raji na namula ang pisngi ni Yana at kinain ito ng takot nang magsimula siyang magtanggal ng necktie. Kanina pa siya nakainom. Hindi niya alam kung bakit uminit ang ulo niya nang humingi ng tulong si Yana kay Anton imbes na sa kanya. Kanina pa kasi niya nahahalata na lumalapit si Anton sa dalaga kapag hindi siya katabi. Sa tingin niya ay may gusto si Anton kay Yana, o baka tama ang hinala niya na naging customer nga ni Yana si Anton. Sa ganoong kaisipan ay kumukulo ang dugo niya. Hindi niya gustong may kumuha ng atensyon ng dalaga dahil pag-aari niya ito. Binili niya ito mula sa ama nito. "Pag-uusapan ba muna natin kung magkano ang ikakaltas ko sa utang mo ngayong gabi?" Gustong-gusto niyang inisin si Yana para lang mailabas ang inis sa dibdib niya. "Seryoso ka ba?" Nagpakit

