Chapter 4

1361 Words
Kailangan mo ba ng dagdag na sekretarya?" tanong ni Samir kay Raji nang makasalubong ng kapatid niya si Yana sa opisina niya. "No. She's Mr. Manriquez's eldest daughter. Maiisip mo bang siya ang ibabayad ng matanda sa akin para sa labinlimang milyong nawala?" Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya. Ang nakarehistro sa utak niya ngayon ay pag-indayog ng puwetan ng dalaga habang palayo sa opisina niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya para sa bahay pa ito patirahin kung ang kailangan lang naman nitong gawin ay magpanggap na fianceè niya sa Linggo sa kasal ng kaibigan. Kumunot din ang noo ni Samir habang nakatitig sa kanya. "Ano naman ang isinagot mo kay Mr. Manriquez? Don't tell me you've agreed to it and just let the case drop like that?" "What can I do?" katwiran niya. "Nasa ospital ang asawa ni Mr. Manriquez at kahit ang matanda mismo ay malapit na ring bumigay ang katawan sa kapayatan dahil siguro sa pagtatago. Wala silang ibabayad kahit ipakulong pa natin silang lahat." "So, ano ang ginawa ng babaeng 'yon dito kanina?" "She'll work for me." "Gagawin mo pa siyang sekretarya?! What if she'll --" "Magpapanggap lang siyang fiancèe ko," putol niya sa sasabihin ni Samir. "She will... what?!" "Kailangan ko ng babaeng magpapanggap lang na girlfriend ko sa harap nila Jonathan sa linggo. Those big guys were accusing me of having an identity crisis," naiiling niyang wika. "Yana Manriquez was a perfect person to do the job. Susunod siya sa lahat ng iuutos ko nang wala akong iisipin kung mapipikot ba ako bandang huli." "That's crazy. Bakit hindi ka kumuha ng ibang babae? At bakit nga ba nawalan ka ng babaeng idi-date? What happened to them? Si Lilac pauwi daw sa isang araw. You used to date her. Malay mo magkagusto ka ulit sa kanya?" "After I've found another man slept in her condo? No way." Si Lilac ang huli niyang girlfriend bago naubos ang oras niya sa kumpanya. That was years ago. Ni hindi niya na makapa ang damdaming inilaan niya rito. Nakalimutan niya na kung paano ba ang damdamin ng isang nagmamahal. "Like I've told you, I don't need a complicated woman. Saka ko na iisipin ulit kung ano ang gagawin ko sa kaso ni Mr. Manriquez, sa ngayon ay kailangan ko ang anak niya para magpanggap na girlfriend ko." "Nandito na ako ulit. Kahit si Wael ay maaasahan na rin sa kumpanya. Take your time. Kung kailangan mong magbakasyon, take a leave. Asikasuhin mo ang sarili mo at ang future mo. Find a real woman to fall in love with and marry, nang hindi mo kailangang manggipit ng babae para magpanggap na girlfriend." "Don't worry, I will. Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya sa kapatid para ibahin ang usapan. Hindi na magbabago ang isip niya kay Yana dahil last week pa ito dapat nasa kamay niya. Aaminin niyang binagabag siya nito ng ilang gabi at hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang malambot nitong labi. Her sweet Yana. "Ako na ang mag-aasikaso ng opening sa Cagayan de Oro Branch. Sa 'yo na lang ang Baguio dahil mas kaunti na lang ang aasikasuhin doon. Magbakasyon ka doon. Malay mo, doon mo mahanap ang babaeng magpapatibok muli ng puso mo?" Ngumiti siya nang matamis sa kapatid. Bakas sa mukha nito ang kakuntentuhan at labis na kaligayahan sa piling ni Gia at Jaime. "Kailangan ko na ba talagang mag-asawa?" "Oo naman! Kailan mo pa maiisip? Kapag kwarenta ka na? Paano ka makakasabay sa laro ng anak mo kung uugod-ugod ka na?" "Hindi pa ba buntis si Gia ulit? Mag-anak ka na lang kaya ng mag-anak tapos sa akin 'yung iba?" Isang halakhak ang pinakawalan ni Samir. "Hindi mo na rin ba nami-miss ang sexy time? Parang gusto ko ding maniwala na may identity crisis ka na?" biro ng kapatid. Siya naman ang humalakhak nang malakas habang nasa isip si Yana at kung paano siya nakaramdam ng pananakit ng puson noong stag party ni Jonathan. "Sige, ako na lang ang pupunta sa Baguio next week. Bilinan mong mabuti si Wael kapag naiwan siya dito dahil kilala mo ang kapatid mong 'yon, ngayon pa lang gumagana ang s*x drive. Pati sekretarya gustong patusin." Nagtawanan silang magkapatid. "Saan pa ba magmamana, e di sa tatay nating malakas ang appeal sa mga empleyado." "I'm serious, bro." Isinandal niya ang likod sa swivel chair. "Hindi 'yan sa bahay natulog kagabi. Isang araw makakabuntis na lang 'yang kapatid mong 'yan." "I told him already he will have to marry that woman if he got her pregnant," sagot naman ni Samir. Sa ngayon ay ang bagong empleyado sa HR department ang napapabalitang sinusuyo nito. Nang matapos silang mag-usap ni Samir ay tinawagan niya ang mga empleyado na naka-assign ngayon sa magbubukas na branch sa Baguio. Agresibo sila ni Samir na bumalik ang dating estado ng BLFC sa merkado. Legacy ito na iniwan ng Papa Benjamin nila na dapat ding mamana ng magiging anak nila. Matapos ang tanghalian ay ipinasundo niya naman sa driver si Yana sa ospital kung saan naka-admit ang Mama nito. Saka naman ito dadalhin sa bahay nila. Nagbilin siya sa mga katulong na huwag itong palalabasin. Hindi naman ito makakapagnakaw dahil hindi ito makalalabas nang wala siyang pahintulot. Kaya't hinayaan niya lang na maglibot ito sa buong kabahayan kung gusto nito. Matapos ang trabaho niya ng alas singko ay kaagad siyang umuwi. Ang totoo'y kanina pa siya uwing-uwi. Nasa loob lang daw ng guest room si Yana dahil hindi ito pinagtatrabaho ng mga katulong. Pagdating sa bahay ay kaagad niyang tinungo ang silid nito at nagulat pa ang dalaga nang makita siyang nasa loob na ng silid. "Y-you scared me..." "Bakit sarado ang ilaw?" Inabot niya ang switch ng ilaw malapit sa pinto saka namaywang. Napalunok siya nang makitang basa ng pawis ang puting V-neck t-shirt ni Yana. "Ano bang ginagawa mo?" "Naglinis ako sa banyo at dito sa ilalim ng kama." "May maid na gagawa niyan. Magbihis ka dahil ipapaospital pa kita kapag napulmon ka!" Agad siyang tumalikod at tinungo ang balkonahe. Wala naman siyang nakitang matatakasan nito. "Ano ba ang gagawin ko dito kung hindi naman ako gagawa ng trabaho sa bahay?" Gusto niyang kiligin sa lambing ng boses nito. Magaling itong magsalita. Alam niya'y sa isang exclusive na eskwelahan ito nag high school. Kung tutuusin ay mapapakinabangan naman niya ito sa opisina kahit undergrad lang ito. Pero saka niya na iisipin 'yon. Ibang trabaho muna ang ipagagawa niya. "Ang sabi ko'y magbihis ka muna. Gustong-gusto mong ipakita sa 'kin na bakat na 'yang bra mo." "Ang bastos mo talaga!" Tumalikod ito at hindi na nakita ang pagngisi niya. Kahit ang maong nitong shorts ay litaw ang hulma ng puwetan nito. Hindi naman niya masasabi na sinasadya nitong manamit nang ganoon para akitin siya. Sadyang iba na kasi ang pananamit ng kabataan ngayon. Hindi lang nito alam na gumagana rin ang imahinasyon niya at ngayon ay nagsisimulang sumikip ang pantalon niya. Damn! Mula sa balkonahe ay pumasok siya sa silid. Para lang makita si Yana na naghubad ng t-shirt na bagama't nakatalikod ay nasa harap naman ng salamin. Nagtama ang paningin nila ar nakita niya ang pigil nitong ngiti. Naningkit ang mga mata niya. "You were trying to seduce me, don't you?" Dahan-dahan siyang lumakad palapit dito. Nakita naman niyang naalarma ito at mabilis na isinuot ang bagong t-shirt na hawak. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Because I'm drop-dead gorgeous and rich. O baka hindi mo makalimutan ang halik na ibinigay ko noong una tayong nagkita?" "Of course not! Domineering brute!" "Ano'ng sinabi mo?" Naningkit ang mata niya na hinawakan ito nang mahigpit sa siko. "Nasasaktan ako..." "Did you just call me beast? Baka nakakalimutan mo kung magkano ang utang ng pamilya mo sa amin?" "I-i'm sorry..." Yumuko ito nang bitawan niya ang kamay ni Yana. Nakita niyang namula ang bakas ng mahigpit niyang hawak kanina. Agad siyang tumalikod at nilisan ang silid dahil gusto niya itong hawakang muli at huwag nang bitawan pa. Her skin was soft and she smell so damn good. Baka mawala siya sa paninindigan na hindi siya papatol sa tulad nitong nagtrabaho sa club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD