EIGHT

608 Words
Imbes na magconcetrate siya sa trabaho panay ang check niya sa babae na tahimik lang na nakasunod sa kanila. Maingat nila pinapasok ang kuta ng mga terorista. Imbes na magkasama sila nakipagpalit ito sa iba at napunta ito sa team ni Dixon. Pinagbantaan niya ito kanina bago sila nagsimula sumugod sa kuta ng kalaban na wag hahayaan ang babae na kumilos mag-isa. Dixon have a big respect for him kaya naman kampante siya na hindi nito pababayaan ang dalaga. "Boss,distracted ka..Siguro naman alam niya kung ano gagawin niya.." si Mario. Nakakubli sila sa mga malalaki bago ilang metro ang layo mula sa dalawang kubo na napapaligiran ng mga rebelde. Pinag-aaralan nila kung paano nila sisimulan ang pagpatay sa mga ito. "This is a mistakes! f**k!" saad niya. "Captain..mukha tinamaan ka sa kanya ah?" panunukso nito sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin. "Shut up kung ayaw mong ikaw ang tamaan sakin.." angil niya rito. Tinawanan lang siya nito. At hinanap niya ang dalaga sa pwesto nito at nangunot ang noo ng makita may kalaban na nakakita sa pwesto ng dalaga agad na binaril niya iyun para maagaw ang atensyon ng kalaban nila. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa pagkabigla na napatingin sa dako niya. Agad na ibinaling niya ang atensyon sa nagsisimula ng putukan. Hell! Tila walang katapusan ang putukan sa gitna ng kagubatan. Mainit na ang palitan ng mga putok  mula sa magkabila panig. "Wala maghihiwalay!"malakas niya saad sa mga kasamahan niya. Agad na hinanap niya ang dalaga na nakakubli sa isang malaking puno. Maliksi siya tinungo ang kinaroroonan ng babae. Hinila niya ang babae sa kwelyo ng uniporme nito at isinalya sa malaking puno. "Do you want to die?!" singhal niya rito. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya hindi para sa dalaga kundi para sa kalaban niya na muntik ng bumaril sa dalaga. "Sa tingin mo gusto ko mangyari yun?!" singhal nito sa kanya. Sa galit niya naisalya niya rito ang braso niya sa banda leeg nito. Napasinghap ito. "Hindi ka alerto sa paligid mo! Paano kung hindi ko siya naunahan malamang patay ka na ngayon!" tiim-bagang niya saad. Tumalim ang mga mata nito na wala kasingtapang. "Sino ba nagsabi sayo na iligtas mo ako,Captain Fetzeir..?" mariin din nito saad. "Sa tingin mo ba ito lang ang unang beses ko na pasukin ang ganito misyon? Hindi,Captain..marami beses na ko muntik mapatay sa mga ganito misyon!"puno ng galit nito saad. Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Tama,ngayon lang pala sila nito nagkakilala at wala siya alam sa buhay nito. Malakas siya nito itinulak at dahiL doon napaatras siya. Matalim ang mga mata nito nakatitig sa kanya. " Siguro nga mahina ang tingin mo sakin,Captain..salamat sa pagligtas ha,utang ko ang buhay ko sayo..but I am not f*****g care with you!"tahasan nito saad. Walang pakundangan na bumalik ito sa pwesto para tumulong sa iba nila kasamahan. Shit! Mariin niya naikuyom ang mga palad. This is like a hell! Hindi dapat sila dapat ganito sa isa't-isa ng kanya mate. Agad na napaiwas siya ng makita ang naligaw na bala na tatama sa kanya. Shit! Napatingin na lang siya sa kinaroroonan ng babae na bakas ang galit at inis sa maganda nito mukha habang nakikipagpalitan na sa kalaban. Malakas na yumanig ang paligid ng magpakawala ang tropa niya ng malakas na bomba ang kampo ng kaLaban. Hindi nagtagal napagtagumpayan nila ang misyon. Patay ang leader ng mga terorista. Hindi naging handa ang mga kalaban kaya nakuha nila ang tagumpay sa pagiging pabaya ng mga ito. "Captain! Si Sergeant! May tama!" sigaw ni Mario. Agad na nanlamig ang katawan niya ng marinig ang sinabi iyun ni Mario. Hell no! Not her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD