NINE

414 Words
"Sgt. Eskovar.." pagbungad ni Mario. Tinanguan niya ito. Agad na umalsa ang kanya dibdib ng makita ang dahilan kung bakit nasa hospital siya ngayon. Nadaplisan siya ng bala sa braso. Gustuhin man niya umuwi na pero ayaw siya payagan ng hospital dahil sa binilinan ang mga ito na wag siya paalisin hanggat hindi pa tapos ang paggagamot sa kanya. Ipinatong ni Mario ang isang basket na prutas sa sidetable. "Kamusta ka na?" tanong nito. "Ayos lang..kung tutuusin pwede na ko umuwi ngayon.."mariin niya saad habang matiim ang tingin sa kapitan. " Hindi natin masasabi kung iyan lang tama mo,Sgt.Eskovar.."matiim din sabi nito. Sumama ang tingin niya rito. "Kung hindi mo ako inaaway sa gitna ng labanan malamang wala ako dito..galit ako sayo,Captain.." nagpupuyos sa galit at inis niya turan rito. Tumikhim si Mario. "Uhm,mabuti pa,iwan ko muna kayo.." anito at iniwan sila dalawa. "Bakit ka nandito? Gusto mo ipamukha sakin na mahina ako? Na pabigat ako sa inyo,tulad nito?" matalim ang mga mata niya turan. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. Mapait siya ngumisi rito. "Don't worry,hindi na tayo magkikita pa..at ayoko rin naman na makasama ka sa kahit ano misyon ko..mayabang ka,akala mo kung sino ka!"pagtaas ng kanya tono. "Makakaalis ka na,Captain.." sarkasmo niya saad. Dumilim ang mga mata nito sa kanya pero hindi niya iniiwas ang mga mata rito. Hindi siya nasisindak dito. Sino ba siya? Captain lang siya! "Hindi ko ihihingi ng sorry yun,Sgt. Eskovar...dahil para sakin ang mga babae ay dapat pinoprotektahan.." mariin nito saad. Mapait siya ngumiti rito. "Do I f*****g care ? Wala ako pakielam sa sinasabi mo pagpoprotekta mong yan,I don't need that dahil nabuhay ako na wala isang tulad mo na akala mo lahat ng babae ay mahina!"puno ng pait niya saad. " Hindi mo rin naman ako mapipigilan kung gagawin ko sayo yun,Jeniper..." "At sinuman ang nagbigay sayo ng karapatan na panghimasukan ang buhay ko?!" Nagtagis ang bagang nito. Alam niya napipikon na ito sa kanya. Who cares? Maya-maya ay naging blanko at malamig na ang mga mata nito. "Makakaalis ka na.." mariin niya saad at nahiga ng patalikod rito. Hindi siya lumingon o gumalaw kahit alam niya naroroon pa rin ang lalaki. Napigil niya ang paghinga ng maramdaman ang pagkukumot nito sa kanya pero tiniis niya na hindi ito lingunin. "Get well soon..Sgt. Eskovar.." mahina nito saad. Mariin siya napakapit sa unan. Bigla nawala ang galit at inis niya sa ginawa nito iyun pero hindi..hindi magbabago ang tingin niya rito. Mayabang at bastos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD