Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang akong mag-isa sa aking kama. Suot ko na ang pajama ko. Malinis ang aking suot at wala man lang bakas ang kwarto sa milangrong naganap kagabi. Namula ako sa aking naisip. Di ko naiwasang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Masayang masaya ang nararamdaman ko. Dagli akong bumangon at masiglang nag-ayos ng sarili. Inaasahan kong magkikita pa kami sa ibaba. Mabilis ang paghakbang ko galing sa aking kwarto at hinanap agad ng mga mata ko ang bulto ng katawan nya sa bawat sulok ng bahay. Nalaglag ang mga balikat ko nang matantong wala na sya at nakaalis na. Malungkot akong humarap sa kusina at sinimulang ipaghanda si kuya ng almusal.
"Kuya, kelan ang laro nyo ng basketball?" tanong ko kay kuya Jim nang minsang nagkasabay kami sa pagkain.
"Mamaya na," maikli nyang sagot pagkatapos nyang sumubo ng pagkain. Kunot ang noong gumawi ang tingin ni kuya sa akin.
" Bakit mo naitanong? May plano ka bang manood?" tanong nya. Nagkibit balikat ako at umiwas sa mga mata nyang matiim na nakatitig sa akin.
" Hmmm.... Bakit masama bang manood at suportahan ka? Balita ko grand finals na ng laro nyo laban sa Ateneo di ba?" sagot ko na may pekeng ngiti.
" Whoa! Talaga baby? Anong nakain mo at nagkainteres ka ng manood at suportahan ako?" napapantiskuhang tanong nya dahil sa biglaan kong interest sa paglalaro nya.
"It is just normal to support my brother, I know you need some morral support and some cheers kahit alam ko namang madami kang fans na halos mabaliw sa kasisigaw ng pangalan mo, " rason ko. Lihim akong napalunok dahil sa palusot na sinabi ko pero ang totoo gusto ko lang makita ulit si Zane na simula nang may mangyari sa amin e di man lang nagparamdam sa akin. Di man lang sya nag abalang gawan ng paraan na kunin ang number ko o di kaya ay iadd ako sa tweeter or sss kaya o kaya sa i********: ko. Samantalang ako, gumawa ako ng paraan na iistalk sya sa mga social media accounts nya. Friend kami ni kuya sa lahat ng social media accounts and through kuya's link e nastalk ko ang mga accounts nya. I feel a bit of pinch on my heart. Sumisikip ang dibdib ko sa katotohanang umaalingawngaw sa isip ko. He just used me. Dagli rin pinasubalian ng batang puso ko ang iniisip ng utak ko.
Isinama ako ni kuya sa school nya dahil sa gym nila gaganapin ang final game ng kupunan nila laban sa Ateneo. Malaki ang tiwala ko kay kuya. Magaling sya sa lahat ng bagay lalo na sa basketball. Ang alam ko, sya ang captain ball ng basketball team nila at sya ang center at minsan ay small forward. Nalaman ko nang minsang nagbasa ako ng school magazine nila. Nang nasa pintuan na kami ng locker room nila, bigla nya akong kinausap.
"Hmm....Baby mauna ka na sa loob ng gym. Di ka kasi pwede sa loob dahil puro lalaking katropa ko ang mga kasama ko. Umupo ka doon sa malapit sa base namin ha. Madali lang naman matuntun ang assigned seats namin kasi may mga nakalagay na name. Dun ka lang para madali kitang makita," mahaba nyang paliwanag at instruction sa akin. Tumango lamang ako at sabay talikod dahil baka mapansin nya ang pagkadismaya ko. Sumama lang naman ako dito para makita si Zane. Simula nang may nangyari sa amin ay hindi man lang sya nagparamdam. Di man lang sya gumawa ng paraan na kunin ang number ko para makausap ako. Hmp! Asa pa ako! Biglang sumikip ang dibdib ko. Ang tanga ko naman kasi at napakadali kong nadali. Di ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inis sa sarili ko dahil ang rupok rupok ko. At ngayon nga para akong tanga. Kinailangan ko pang magsinungaling kay kuya para lamang makasama at makapanoond ng laro nila. I felt guilty. Wala naman talaga akong ni katiting na interest na hilig sa panonood ng basketball.
Dumeretso ako sa loob ng Gym. Halos puno na ang lahat ng bleachers kaya inilibot ko ang patingin ko para maghanap ng bakante. Grabe ang daming tao at ang lahat ay may kanya kanyang sinusuportahan pero agaw pansin ang mga banner na karamihan ay sumusuporta sa team ni kuya. Umagaw sa atensyon ko ang mga banner na sumusuporta sa taong sinadya ko dito. Subrang sikat pala nya. Siguro magaling syang magbasket ball. Nakita ko ang tinutukoy ni kuya na reserved seats for them kaya dali dali akong tumungo dun. Nadaanan ko ang grupo ng mga estudyanteng kalalakihan na walang kurap na tumitig at sinundan ako ng tingin. Bakas ang paghanga sa kanilang mga mata at halos hindi ako hiniwalayan ng tingin. Nakasuot ako ng skirt na hindi naman gaano kaiksi at crop top na tama lang na matakpan ang pusod ko. Sanay na akong makaagaw ng pansin dahil na rin sa malaporselana kong kutis na ubod ng puti at kinis. Binagayan pa ng mahahabang biyas, makipot na bewang at katamtamang laki ng dibdib at pagmumukhang agaw pansin dahil sa di pangkaraniwang ganda. Sabi nila namana ko daw ang kagandahan ni Mommy. Si mommy ay dating beauty queen at title holder. Kasagsagan ng kasikatan nya nang ipinagbuntis nya si kuya Jim. Isinakrispisyo ni mommy ang pangarap nya dahil sa pag-ibig na kalaunan ay sya ring sumira ng pamilya namin dahil iniwan kami ni Daddy at sumama sa iba. At ngayon nga mas pinili ni Mommy magtrabaho sa ibang bansa dahil plano nyang kunin kami pag nakapag-ipon na sya doon ng malaki. Ang alam ko balak nya kaming kunin ni kuya pagkatapos ng pag-aaral namin.