Chapter 7

1071 Words
Actually hindi ko na maalala ang hitsura ni Daddy kasi maliit pa daw ako nang pinili ni Daddy ang iwan kami. I think I'm still four years old that time while kuya Jim was nine years old. Nakakalungkot pero sadyang hindi natin saklaw ang buhay at desisyon ng bawat tao. Masakit isipin na hindi na talaga mabubuo ulit ang pamilya ko. Agad akong umupo sa upuan na nakalaan para sa mga pamilya ng players. May mga nakaupo na doon. Napansin ko ang isang balingkinitan at magandang babae na nasa tabi ko. Subrang ganda nya at parang anghel. Tantiya ko matanda lang siguro si kuya ng isang taon. Napalingon sya sa akin kaya kimi akong ngumiti sa kanya pero pinasadahan lamang nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at tinaasan ako ng kilay pagkatapos. Nagkibit balikat na lamang ako at isinawalang bahala ang ginawa nya. Lage naman kasing ganun ang reaksiyon ng mga babae sa akin. Akala nila aagawan ko sila ng lalaki. Ano bang akala nila lahat ng lalaki ay magkakagusto sa akin? Nakakainis din minsan ang subrang ganda dahil marami ang naiinggit at marami ay ayaw sayo. Marami na din ang nag-alok na modeling agencies at talent managers sa akin pero lahat sila tinanggihan ko dahil kabilin bilinan ni mama na wag akong pumasok sa pag aartista o pagmomodelo. Di nagtagal ay narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao nang isa isang nagsilabasan ang mga players lalo na nang lumabas ang grupo nila kuya. Di magkamayaw sa kasisigaw ang mga babae. May grupo ng mga cheer dancers ang nagperform. Pagkatapos ng kanilang performance ay nagkaroon ng kunting introduction sa mga judges at background ng mga players. Inannounce din ang mga rules ng laro. Naexcite ako nang isaisang ipinakilala ang mga players galing sa team ni kuya. Unang ipinakilala si kuya na team captain at center ng varsity team. Subrang lakas ng hiyawan at tilian ng mga tao. Hindi ko na ikinabigla yun dahil maliban sa angking galing ni kuya sa basketball napakagwapo din niya at malakas ang s*x appeal. Sabi nga nila boy version ko daw si kuya. HIndi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko nang ipapakilala na ang panghuling manlalaro na walang iba kundi si Zane Altamirano del Rosario. Kung kanina ay di magkamayaw ang mga tao, ngayon naman ay halos triple ang sigawan at ingay nila. Bigla akong napatingin sa katabi ko nang sumigaw sya ng malakas. " I love you Zane! " Bigla namang napatingin sa gawi namin si Zane at nakita kong nagflying kiss ang babaeng nasa tabi ko. Nung una masaya ang mukha ni Zane pero biglang nag-iba ang timpla ng mukha nya nang mapansin nya ang presensya ko. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang mararamdaman ko. Ang sakit pero wala akong karapatan na masaktan. Halata namang may relasyon ang dalawa dahil bakit dito nakaupo sa may reserved seats for family members of players ang babaeng nasa tabi ko. I can't contain my feelings. First time kong magkagusto sa isang lalaki at lahat ng first time ko ay nakuha nya pero ang laki ko pa lang gaga at tanga. Nabiktima ako ng isang certified playboy. Ayoko na ng nararamdaman ko. Subrang nahihiya ako at naiinis para sa sarili ko. Ang sarap lang sumigaw at maglupasay sa sahig. Ang walanghiya may girlfriend pala pero ang lakas ng loob na nakipaglandian sa akin. Ako pa na kapatid ng bestfriend nya. "Hmp! kasalanan mo naman yan Rhiana kasi napakalandi mo at marupok. Wala kayong relasyon at mas lalong hindi mo sya boyfriend pero halos isuko mo na ang bataan," kausap ng konsensya ko sa isip ko. Napatawa ako ng mapakla. Walanghiya ang sarap sampalin. Bwesit! I swear I'm gonna slap him hard pag nagkaharap kami. For the meantime I need to focus on my brother's performance. Ipagdadasal kong maging maganda ang laro nya at wag syang mapahamak . Nagsimula ang kanilang laro at gaya ng inaasahan ko nagpakitang gilas ang team ni kuya lalo na ang gagong lalaking yun. Sya pala ang small forward nila kuya. In fairness subrang galing nya dahil lahat ng bolang ipinasok nya ay pasok. Para namang kiti kiti yung nasa tabi ko na everytime pumapasok ang tira nya ay nagtatatalon at nagsisisigaw ito. Sarap tapalan ang bunganga dahil sa subrang ingay. Rinding rindi na tuloy ang tainga ko. Ang sarap mag walk out. Bakit nga ba nandito parin ako? Mabuti pang umalis na ako. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Itetext ko na lang si kuya na umalis na ako. Tama etetext ko na lang sya. Magdadahilan na lang ako na masakit ang ulo ko. Totoo naman na masama ang pakiramdam ko pero hindi ulo ang masakit sa akin kundi puso. Tatayo na sana ako pero napansin kong halos di naman maraanan ang mga bleachers. Subrang dami ng mga tao at nagsisiksikan. Siguradong mahihipuan ako pag nagpumilit akong dumaan sa pagitan ng mga tao. Nagkasya na lamang ako sa upuan ko. Pumapalakpak ako everytime na nakakascore ang team nila kuya lalo na pag si kuya mismo ang nakaagaw ng bola at magshoshoot nito. Pag si Zane naman ang nakakascore dedma ako at umiirap. Nang minsang naipasok nya ang bola lumingon sya sa gawi namin at nagflying kiss ang gago. Sa akin sya mismo nakatitig pero ang katabi ko ang nagflying kiss pabalik. Lahat ng tao tuloy ay sa amin gumawi ng tingin. Iniiwas ko ang tingin ko at yumuko para di nila makita ang pagmumukha ko. Narinig ko namang nagbulungan ang mga babaeng nasa malapit lang sa amin. " Ang swerte naman ng babaeng binigyan ng flying kiss ni Zane. Hay naku wala na tayong pag-asa dahil may nagmamay-ari na ng pinapantasya natin," di ko ulit mapigilan ang sarili kong masaktan. Napakaikli ng panahon na nakasama ko si Zane at parang one night stand lang yun sa kanya pero subrang lalim na ng naidulot nun sa akin at sa buong pagkatao ko. Di ko namalayan na may luhang umalpas sa pisnge ko. Agad ko itong pinunasan ng daliri ko. Natapos ang laro at walang kahirap hirap na nakuha nila kuya ang championship. Si Zane ang nakakuha ng MVP. Mapait akong nakatitig sa kanya habang sya naman ay malawak ang ngiti sa labi habang buhat buhat ng mga kateam mate nya. Umiscore lang naman sya ng animnapu at halos sya ang nagdala ng laro. Dahan dahan akong tumayo at sumabay sa anod ng maraming tao na papalabas ng gymnasium.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD