Chapter 8

1212 Words
Nakita kong hinahanap ako ng tingin ni kuya kaya kumaway ako sa kanya. Nagpaalam sya saglit sa mga estudyanteng nagpapaautograph sa kanya at lumapit sa akin. " Kuya congratulations! Grabe ang galing mo talaga!" masayang bati ko sa kanya sabay yakap. " Salamat baby at natagalan mong tapusin ang laro ko. hahaha!!!" masayang nyang tawa. "Napansin ko kanina panay busangot ng mukha mo. Bakit ba halos di maipinta mukha mo kanina pa?" tanong ni kuya at tinitigan ako sa mata. Umiwas ako ng titig at nagkibit balikat lamang. "Nainitan at naingayan lang ako kuya," paiwas na sagot ko. " But honestly baby your presence helps a lot. By the way, come with us. We are going on a victory party after the autograph signing," anyaya ni kuya. Bigla akong natilihan sa sinabi niya. Gusto kong tumutol. Mas gugustuhin ko na lang na umuwi at matulog. " Kuya sorry but I really want to go home and lay down on my bed," tanggi ko. Tumingin ng deretso sa akin si kuya at sabay iling. " Okay, I won't force you but I'm worried for you baby. Gabi na at wala kang kasama sa pag uwi," pahayag nya. Makikita ang pag-aalala sa gwapo nyang mukha. " Don't worry kuya I can handle my self. Sasakay na lang ako ng taxi. Tatawagan kita agad pag nasa bahay na ako. Basta umuwi ka ng maaga ha!" sagot ko na binigyan sya ng assurance. Hinawakan ni kuya ang mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko. " Baby, kaya nga kita isinasama kasi alam kong baka umagahin kami sa party. Napag-usapan na ng tropa na sa bahay nila Zane gaganapin ang victory party at dun lahat magpapalipas ng gabi dahil lahat ay magpapakalunod sa alak. Alam mo namang hindi ako pwedeng mawala kasi ako ang inaasahan ni coach na magbabantay sa tropa," mahabang paliwanag ni kuya na ikinainis ko. " What!? anong tingin ng coach mo sayo babysitter?" mapaklang sabi ko sa kanya. " Not what you think baby. It's not like that, " mahinahong sagot nya. " But kuya, I really want to go home now. Sumasakit na lalo ang ulo ko at saka I want to rest. Sumakit din ang mga palad ko kakapalakpak," reklamo ko. Di pa nakakasagot ang kapatid ko nang biglang sumingit sa usapan namin. Walang iba kundi ang taong kinaiinisan ko. " Why don't you rest in one of our guestrooms in our house. You can comfortably sleep there," baritonong pahayag ng taong nagpabilis bigla sa pintig ng puso ko. Umangat ang tingin ko sa kanya at sabay irap. Buti na lang di tumitingin sa akin si kuya kaya di nya napansin ang pag-irap ko dahil naagaw ang pansin nito sa nagsalita. " Dude!!! are you done with your fans?" tanong ni kuya. Umakbay ito sa balikat ni kuya at tumingin ng deretso sa akin. Para akong tinutunaw ng mga titig nya. Di tuloy ako mapakali. "Nope, nagpaalam muna ako na may kakausapin," sagot nya sabay tingin ng matiim sa akin. " By the way where is your fiancee?" tanong ni kuya kay Zane na syang nagpatigalgal sa akin. Para akong sinaksak ng isang daang beses sa nalaman ko. My God, ikakasal na pala sya kaya sya naglalaro ng apoy sa akin o baka naman lahat ng babaeng natitipuhan nya ay kinakama nya. Sinusulit nya ang panahon na binata pa sya bago sya lumagay sa tahimik. Nagkibit balikat lamang ito at umiwas ng tingin sa akin. " Ahm, ayun pinauna ko na muna sa sasakyan. By the way sumunod na lang kayo sa bahay ha," iwas ang tingin nyang sabi at dali dali ng umalis at parang umiiwas. "Oh bakit ang putla mo baby? Lumala ba ang sakit ng ulo mo?" tanong ni kuya na may pag-aalala sabay dampi ng kanyang kamay sa noo ko. He just checked if I have a fever. " I think so kuya. I feel like sick," matamlay kong sagot sa kanya. Talagang may sakit ako. Sakit sa puso. Feeling ko parang tinadtad ng pino ang batang puso ko. Inalalayan naman ako ni kuya hanggang sa makarating sa kanyang sasakyan. " Pasensya ka na ha if you need to go with me. I'm just worried leaving you alone at our apartment," nag-aalalang pahayag nya. " Kuya, I'm not that little girl you used to know anymore. I am a grown up lady now," sagot ko. " Shhh! You are still my little sister. You will remain my baby," malambing nyang turan. "Hay naku kuya, ewan ko na lang kung mapapanindigan mo ang laging nasa tabi ko kapag nagtatrabho ka na. Lalo na pag may sarili ka ng pamilya," pasubali ko. " You seems so bitter today Baby," pansin ni kuya. Hindi ako kumibo. Ipinikit ko ang mga mata ko pahiwatig na ayoko ko ng makipagdiskusyon sa kanya. Naintindihan naman nya ang ibig kong ipahiwatig. Buong durasyon ng biyahe ay tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan. Huminto ang sasakyan ni kuya sa harap ng napakalaking bahay. Actually, It is not a house but better to call it a mansion. Nasa labas pa lamang kami at tanging ang 2nd hanggang 3rd floor pa lang ng mansion ang natatanaw dito sa labas pero mapapahanga ka na sa ganda ng pagkakadesign ng bahay nila Zane. Nagdalawang isip akong bumaba dahil pinangunahan ako ng hiya. At saka kung pwede sana ay ayokong makita ulit ang gagong iyon. Buti na lang di ko pa naisusuko ang bataan ko. Napakabata ko pa naman para madevirginized nya. Buti na lang talaga at sa kahulihulihang pagkakataon e ginalang parin ako ng gagong iyon. I feel like betrayed. I was almost f****d by that ass****. Mabait parin ang Diyos sa akin at iniiwas nya ako sa kahihiyan at pagkariwara. Pinapasok ng guard ang sasakyan ni kuya. Gaya ng inaasahan ko mas maganda at marangya dito sa loob. Malawak ang parking space at napakaganda ng landscape. Hindi ko maiwasan ang mapasinghap sa ganda ng mansion lalo na nang papasok na kami sa entrance ng bahay. Malawak ang lawn at ang parking space subrang lawak din na halos puno na ng magagarang sasakyan. Lahat ng masasagip ng iyong mata ay puro karangyaan. Inalalayan ako ni kuya pagbaba ng sasakyan. Nanliliit ako dahil ang sasakyan lang ata ni kuya ang hindi magara sa lahat ng nakahelirang sasakyan. Bakas na ang luma sa sasakyan ni kuya. Umaandar pa naman ito at gumagana ang aircon kaya ginagamit parin namin. Napalatak akong lalo nang papasok na kami sa entrance ng mansion. Sandaling nagpaalam saglit si kuya dahil may binalikan sya sa sasakyan. Nagpatuloy ako sa pagpasok sa magarang mansion. Nagmamahalan ang kanilang mga display at ang gaganda ng mga painting na nakasabit sa wall. Agaw pansin din ang portrait ni Zane. I think nasa 18 year old pa lamang sya sa portrait na yun. Nagsusumigaw ang kakisigan at kagwapuhan ng mokong. Nanghahalina ang kanyang ngiti. Di ko namalayan na titig na titig pala ako sa kanyang portrait. Narinig ko na lamang ang pagtikhim sa tabi ko. "Ehem!!! Does you find me attractive in that portrait? But I am more attractive in person sweet heart," bulong nya sa akin at pasimpleng pinisil ang bewang ko. Ipiniksi ko ang kanyang kamay na nakahawak sa bewang ko at galit na humarap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD