Red : Madilim ang mukha ni Sebastian nang malingunan niya ito. Awtomatikong nabaling ang tingin niya kay Gerald na tila nag-e-enjoy na nakita sila ng nobyo na magkasama. Agad na tumayo siya upang lapitan ang kanyang nobyo. "Sebastian, kanina ka pa ba riyan?" tanong niya rito. "Hindi naman. Sakto lang para makita ko ang sweet moment niyo nitong kasama mo," mapait na wika nito sa kanya. "I-iyong n-nakita mo, walang ibig sabihin iyon," natatarantang wika niya sa nobyo na ang mata ay kay Gerald nakatingin. "M-magpapaliwanag ako, Mahal ko." Hinawakan niya ang isang braso nito at nagsusumamong nakatingin siya kay Sebastian. "Please," pakiusap pa niya. "Oo naman, pwede kang mag-explain ngayon," kalmanteng tugon ni Sebastian sa dalaga. Tuluyan na itong lumapit sa mesa na inuukupa nila. "Woul

