Hinalikan ni Sebastian ang mga palad ni Red at natatawang tumayo ito. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid na hindi na nila namalayan na dumami. "Kiss! Kiss!" request pa ng mga ito. "Paano ba niyan, Red, kiss daw," nakangisi na wika pa ni Baste sa kanya. Imbes na mainis si Red sa ngisi ni Baste sa kanya ay naiin-love siya rito. Napakagwapo nito! Sana ay hindi siya nanaginip lamang. Lihim pa niyang kinurot ang sarili. "Aray." Nasaktan siya kaya hindi lamang panaginip ang lahat. "Ipapahiya mo ba sila?" wika ni Sebastian kay Red nang hindi ito sumagot. Dalangin na lamang niya na sana ay hindi ito mapikon sa kanya. "Nanliligaw ka pa lang sa akin, Sebastian!" paalala ni Red kay Sebastian habang pinandidilatan ito. Pero ang totoo ay gusto niya rin talaga na halikan siya nito. Muli ay nag

