Chapter 6

2558 Words
Red Sa hindi kalayuan ay tahimik na nakatanaw ang matalik na magkaibigan na sina Red at Andrea sa table kung saan nakaupo si Mayor Sebastian Fernandez ng Batangas. "So, siya pala ang the mighty Mayor of Batangas, Red," wika sa kanya ni Andrea. "Oo, siya nga," walang anuman na sagot niya rito habang sumisimsim ng alak. "Napansin ko lang, Red, wala siyang kasamang security personnel niya na nagpunta rito?" tanong nito sa kanya. "Wala nga yata. Wala ako'ng napansin eh," kaswal na sagot niya. "Does it mean na nagpunta siya rito as ordinary person?" hindi makapaniwalang tanong muli nito sa kanya. "Yes, kasama lamang niya ay iyong driver at parents niya na Ninong at Ninang ni Bea at Blue rito sa kasal nila." "Wow! Bihira ang pulitikong ganyan. Hindi nagpapa-VIP. Considering na isa siyang Mayor. Very down to earth," humahangang sabi pa ni Andrea. "Yup, I agree with that," sang-ayon niya rito. "Hindi ba at siya ang Mayor na na-link kay Bea?" mataman siyang tiningnan nito. "Well, aside from being a down to earth person ay gwapo pala talaga siya." "They were proven friends, Andrea. As a matter of fact they treat each other as magkapatid," wika muli niya rito habang nagsasalin muli siya ng alak sa kanyang goblet. "I see… Sa palagay mo may nobya ba si Mayor, Red?" Napatingin siya rito na kunot ang noo. "Well, he is a good looking guy. Aside from that, he is a politician. Imposibleng wala siyang girlfriend," diretsong sagot niya kay Andrea. "You know what, Red, I like his looks. Bihira ang itsura niya." "Rare, ganoon? Exotic?" tanong niya rito habang tumatawa. "Exactly! Kung titingnan mo nga ay parang ang dating ng itsura niya ay parang isa sa mga bida sa mga action movies," sabi pa nito habang tila nag-i-imagine. "Well, yes, but if I were you ay iiwasan ko ang tulad niya," babala niya sa kaibigan. Hindi niya gusto ang ibinabadya ng kilos nito. Mayroon na itong boyfriend at ayaw niyang masangkot ito sa pagtataksil. Malagkit na nakatingin ito kay Mayor. Nang hindi man lamang nagkomento ito sa kanyang sinabi ay nagpatuloy siya. "As you can see… Lapitin siya ng mga babae. Kung ayaw mo'ng maging broken hearted ay layuan mo na siya ngayon pa lamang," payo niya rito "Tell me, Red… Hindi ka ba naa-attract sa kanya?" Sukat sa sinabi nito ay nasamid siya. Dali-dali itong kumuha ng tubig at ipinainom sa kanya. Kapagkuwan ay hinaplos nito ang likod niya. "What happened, Red, wine lang iyan ha. Nasamid ka pa?" halata sa mukha nito na nagpipigil ito ng tawa. "Baka may nakaalala sa akin," walang anuman niyang sagot. Sa loob niya ay hindi niya inaasahan ang dahilan ng pagkasamid na iyon. "Okay ka na?" tanong nito ngunit hindi kababakasan ng pag-aalala. "Yes, I'm fine… thanks sa pekeng pag-aalala mo," mapaklang wika niya rito. "Your always, welcome, Red," natatawa nitong sagot sa kanya. "You're really a friend of mine." "Ofcourse," nakangisi nitong sagot sa kanya. Ganoon lamang talaga sila kung mag-asaran. Maganda lamang sa kanila ay hindi nila sineseryoso ang lahat. They're stay cool. "So, back to my question," tanong pa rin nito na hindi nakalimutan. "Hindi ka ba naa-attract kay Mayor Sebastian?" Ngali-ngaling batukan na niya ito. Nagpipigil lamang siya dahil nasa formal na lugar sila. "Bakit naman sa akin napunta ang usapan? Alam mo naman na ayokong makipagrelasyon." "Hindi iyan ang itinatanong ko, Red. Ang tanong ko ay kung hindi ka ba naa-attract kay Mayor Sebastian?" "Well, gwapo siya pero I don't think na attracted ako sa kanya," sagot na lamang n'ya rito para matigil na ito. Minsan kasi talaga ay may kakulitan din ito. Kung hindi mo sasagutin ay hindi ka titigilan. "So, hindi ka magagalit kung makipaglapit ako sa kanya?" Marahas siyang napatingin dito. "/What?! Seriously?" "I'm serious, I like him," simpleng sagot nito. "You're must be kidding," natatawang wika n'ya. "No, I am not." "Nababaliw ka na ba? Paano na si Francis?" tukoy niya sa long time boyfriend nito. "Nababagot ako… Mahirap ang long distance relationship," pagkuwan ay tinungga nito ang wine na hawak. "Pwede naman siguro na i-enjoy ang buhay minsan kaysa maghintay lamang lagi hindi ba?" wika muli nito habang nilalaro-laro ang goblet na hawak nito. "May problem ba kayo ni Francis?" "Wala! Gusto ko lang mag-enjoy." "I can't believe you're saying all that. You really love francis. Alam ko ang mga pinagdaanan niyo." "Lahat nagbabago, Red." "Can't you see him?" tukoy niya kay Mayor Sebastian. "Lapitin siya ng mga babae. Kahit ang pinsan kong si Hershey nahumaling na rin yata sa kanya. Kilala ko si Hershey. Kapag lumapit siya sa isang lalaki panigurado ay matindi ang pagkakagusto nito. Huwag mo akong ilagay sa sitwasyon na pipili ako sa inyo ni Hershey kung sino ang ibi-build up ko kay Sebastian," mahabang pahayag niya kay Andrea. "Kilala mo talaga ako, Red! Nahalata mo agad na gusto kong magpalakad sa'yo kay Mayor, huh?" "What friends are for kung hindi kita gets agad at hindi kita kilala." "Hayan, umalis na si Hershey. Pwede mo na ba akong tulungan kay Mayor Sebastian?" "Lalapitan mo talaga s'ya?!" hindi siya makapaniwala na pursigido talaga ito. "Yes, makikipag-friends pa lang naman ako sa kanya. Wala naman sigurong masama hindi ba? He is a Mayor, a public figure kaya siguradong hindi niya ako matatanggihan." "You're really serious?" "I am. Let's go," hinila na siya nito. Gusto man niyang magprotesta ay hindi niya pwedeng gawin. Ayaw pa naman sana niyang makaharap si Mayor Sebastian. Hindi niya mabigyan ng dahilan kung saan nanggagaling ang kuryente na dumadaloy sa kanya kapag nagdidikit sila ni Mayor Sebastian Mayor Sebastian Samantala, habang walang makausap si Baste dahil nahila ng mga kaibigan at kamag-anak si Hershey ay inilabas muna niya ang kanyang cellphone. Hindi na rin siya nakakatiyak kung babalik pa si Hershey at ang mga kasama nito. Hindi na rin niya magawang tumanaw kay Red dahil nahihiya s'ya rito. May palagay siyang natanaw nito na kausap niya nang matagal ang pinsan nitong si Hershey. Panay pa naman ang bulong ni Hershey sa kanya kanina. Hindi niya naman ito kayang ipahiya. Kung kanina ay halos gusto na niyang paalisin si Hershey dahil masyadong maraming kwento ito sa kanya. Ngayon naman ay tila nanghihinayang siya na nahila ito ng mga kakilala. Wala siyang makausap. Mukhang wala na rin kasing balak na bumalik ang tatlong kasama niya sa table na sina Wilbert, Jordan at Luke. Natanaw niya ang mga ito na masayang-masaya sa piling ng kanya-kanyang nobya. Binuksan niya ang front camera para muli ay silipin ang itsura kung hindi pa ba siya mukhang basang sisiw. Naisipan niya na nakakahiya kung makikita siya ni Red na pangit. Hindi lamang niya inaasahan na makikita mula sa camera si Red. "Red?" naiwika niya at nilingon ito. "Hi, Mayor Sebastian," nakangiting wika nito sa kanya. Hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot nito sa likod niya. Ibinaba niya ang cellphone at ibinulsa. Pagkuwan ay nginitian niya si Red. "Hello, Red," ganting bati niya rito. "Okay ka lang dito?" tanong pa nito. "Yes, oo naman," masayang sagot niya rito. "I'm happy to hear that, Mayor Seb. By the way, I want you to meet Andrea," baling nito sa isa rin na magandang babae. "Bea's former Boss." "Hmmm, ganoon ba. Ikinagagalak kitang makilala, Andrea." Iniabot niya ang kamay dito na masaya naman nitong tinanggap. "Ako rin, Mayor Sebastian. Nice meeting you," nagpapa-cute na wika nito sa kanya. "Upo kayo," paanyaya niya. Inayos niya ang uupuan ng dalawa. "Salamat, Mayor," malambing na wika ni Andrea sa kanya. "Walang anuman," nakangiting wika niya sa dalawa na nagpalabas sa mapuputi at pantay-pantay na ngipin niya. Sa pagngiti niya na iyon ay may sumikdo sa dibdib ni Red. Kumabog ang puso nito na hindi nito inaasahan. Gusto man nitong pigilin ang nadarama ay hindi nito magawa. "Mayor, please lang huwag mo na sanang uulitin ang ngiti mo na iyon. Hindi tayo talo," piping wika ni Red kay Baste. Saglit na namagitan ang katahimikan. Natorete yata siya. Wala siyang alam na paksa. "Hmmm, puto? Gusto niyo?" atubiling alok niya sa dalawa. "Salamat, Mayor. Katatapos lamang namin. Busog na kami ni Red," si Andrea ang sumagot. "Oo nga, Mayor Seb, busog na kami," sang-ayon ni Red habang hawak ang cellphone at tila my ka-text. "Ganoon ba, hehehe," tanging wika niya. Naisubo tuloy muli niya ang isang pirasong putong puti. Amaze na nakatingin naman si Andrea sa kanya. "Masarap kasi," wika niya. Wala talaga siyang alam na pag-usapan. Masaya siya na nasa malapit si Red. Pero ninenerbyos siya. "Alam mo, Mayor Sebastian, marami na akong naririnig tungkol sa'yo. Totoo pala talagang gwapo ka lalo sa personal." Sa sinabing iyon ni Andrea ay namula siya. Sa isip nito napaka-cute na Mayor nitong si Sebastian. Nakita niya na tila binatilyo ito na nag-blush dahil napuri. "Hmm, hindi naman, Andrea. Pero salamat sa papuri," nakangiti niyang wika. "So, how's life, Mayor Sebastian. May girlfriend ka na ba?" diretsong wika ni Andrea sa kanya. Lingid sa kaalaman niya ay pinandilatan ito ni Red dahil sa sobrang straight forward nito pero hindi nito pinansin si Red. Buong lambing pa nitong nginitian si Mayor Sebastian. Nabigla man sa walang prenong bibig ni Andrea ay naisipan niya na maganda na rin sigurong pagkakataon ito para magparamdam kay Red. Naisipan niyang baka matagalan pa bago niya ito muling makita. Napakarami niyang ginagawa sa munisipyo. Pagkatapos ng kasiyahan na ito ay back to normal na naman ang lahat kaya kailangan ay makapuntos man lamang siya ng pag-asa kay Red. "Wala nga eh, baka may gusto kang ipakilala sa akin," sagot naman niya kay Andrea pagkatapos ay sinadya niyang makahulugan na tingnan si Red. Ginamitan niya ito ng charming looks niya. Natuwa siya dahil effective ang ginawa niya. Bigla itong nagbaba ng tingin. Naaapektuhan ito sa ginawa niya. Hindi inaasahan ni Andrea ang isinagot sa kanya ni Mayor. Hindi rin ito sigurado kung nagsasabi ito ng totoo. Pero nakita niya ang paraan ng pagtitig nito kay Red. Tila ba nagpaparamdam na ito sa kaibigan. At natuwa siya nang magbaba ng paningin si Red. Parang teenager lang na biglang tiningnan ng crush kaya nahiya at nagyuko ng ulo. Kaya mas lalo siyang naintriga sa kalalabasan ng magiging love story ng dalawa. "Meron nga! Ako!" kunwari ay prisinta niya sa sarili para kay Mayor Sebastian. Kitang-kita niya ang biglang pag-angat ng tingin ni Red sa kanya. "Huh?" Nabigla siya sa pagprisinta ni Andrea sa sarili. Hindi niya inaasahan bagamat natutuwa siya sa pagkadiretso nito. Umaasa pa naman siya na baka isa ito sa maging daan niya para mapalapit nang mabilis kay Red. Hindi nga lamang siya sigurado kung totoo sa puso nito ang sinabi. "Joke lang! Peace!" nag-sign of peace pa ito sa kanya. Natawa naman siya rito at nakahinga ng maluwag. "Alam mo, Andrea, gusto ko ang joke mo." Nagtawanan sila nito. "So, wala ka talagang girlfriend?" "Huh, oo, medyo, hahaha." "I think I better go muna, guys. Aasikasuhin ko lamang ang ibang bisita," pagkuwan ay wika ni Red na tangka na sanang tatayo nang hawakan niya ito sa isang kamay nito. Tiningnan ni Red ang hawak niyang kamay nito ngunit wala siyang balak bitawan. Mabilis siyang nag-isip ng dahilan para manatili ito sa tabi niya. "Ahmm, babalik ka pa ba, Red?" tanong niya rito. "Gusto pa sana kitang makausap. Ikaw pa lamang at ang bagong kasal ang kakilala ko nang matagal kasi rito," pagdadahilan niya. "Okay, Mayor Seb. Babalik ako. Iwan ko lang muna kayo ni Andrea," wika nito. "Sige, salamat, Red," wika niya at doon pa lamang niya binitiwan ang kamay nito. Andrea Kunot noo man ay sigurado na si Andrea sa hinala niya. Mula pa nang una ay napansin na niya ang kakaibang tingin na ipinupukol ni Mayor Sebastian sa kaibigan. Hindi pansin ito ni Red pero napansin niya. Dahil sa curiosity kung mayroon something sa kaibigan at kay Mayor ay lihim siyang gumawa ng imbestigasyon. Iniisip niyang baka hindi lamang nagsasabi sa kanya ang malihim niyang kaibigan. Best friend niya ito pero pagdating sa love life ay wala s'yang alam dito. Minsan nga ay sinabihan niya itong unfair. Kasi buong pagkatao niya at love life ay expose rito samantalang ito ay hindi. Sa buhay pag-ibig nito ay wala itong nababanggit. May mga manliligaw ito pero walang sinasagot. Lagi nitong sinasabi ay wala itong time sa love life. Pero ngayon ay naiintriga siya sa kaibigan at kay Mayor Sebastian. Naiisip niyang bagay ang dalawa at hindi niya maintindihan kung bakit kinikilig siya para sa kaibigan. Hindi totoong type niya si Mayor. Pero totoong nagwapuhan siya sa alkalde ng Batangas. Nagpanggap lamang siya na type niya si Mayor para hulihin si Red. Nang una ay na-confirm niya na walang something sa kaibigan at kay Mayor kaya niyaya na lamang n'ya si Red na lapitan si Mayor para mabigyan niya ng kasagutan ang kakaibang tingin ni Mayor sa kaibigan. At hindi siya nagkamali. Kumpirmado! Ang malalagkit na tingin nito sa kaibigan bago ito lapitan ni Hershey. Ang kasiyahan na nakita niya sa mukha ni Mayor Baste nang lumapit sila rito. Ang nerbyos na nakita niya sa mga mata nito at ang tila batang asta nito nang iiwan ito ni Red ay sapat ng dahilan para masiguro niya na may lihim na pagtingin si Mayor Sebastian sa matalik na kaibigan. Ang kaibigan naman niyang si Red ay tila pinipigilan ang sarili na ma-involve kay Mayor pero hindi nito pansin na nakahalata na siya sa mga ginagawi ng kaibigan. Kinikilig siya! Sa wakas ay magkakaroon na ng boyfriend ang sobrang pihikan niyang kaibigan! "Bagay si Red at Mayor!" wika niya sa isip. Mayor Sebastian "Andrea?" pukaw niya sa tila malalim nitong iniisip. "May sinasabi ka, Mayor?" sagot naman ni Andrea sa kanya. Nang umalis si Red ay tumawag sa kanya si Ate Tess, ang sekretarya niya sa munisipyo. Nakalimutan daw nitong sabihin sa kanya na nagpapa-schedule ng meeting ang presedente ng isang unyon sa isang factory na sakop niya. Nakikiusap daw ito na kung pwede ay sa makalawa na siya nito makausap. Kailangan na kailangan lamang daw. Naisip niya na baka nga importante ang pakay nito sa kanya kaya pinaayos niya ang schedule niya. Mabuti na lamang at nai-save niya sa cellphone ang mga urgent meetings niya. Pinaayos na lamang niya ang schedule at ipinalagay sa priority list ang kailangan talaga. Inutusan na lamang niya na kausapin ng maayos ang mga masasagasaan na naka-schedule. Tatawag daw muli ito sa kanya kapag may update na at natapos na ang usapan nito sa mga ka-meeting niya. "Ang sabi ko, pasensya na. Medyo importante kasi ang tawag kanina ng sekretarya ko kaya---." "Ah, iyon ba," natatawang tinapik siya sa balikat ni Andrea. "Wala iyon, take your time. Basta nandito lamang po ako, Mayor Sebastian." "Ganoon ba, alam mo, Andrea, gusto kita." Sinadya niyang ibitin ang sasabihin at natuwa siya sa reaksiyon nito. Natigagal ito. "Ano'ng sabi mo, Mayor?" ulit nito sa sinabi niya nang marahil ay nahimasmasan na. "Ang sabi ko, gusto kita." "Ano ulit iyon? Tinusok pa nito ang tainga gamit ang hintuturo dahil kunwari ay hindi siya nito narinig at inilapit pa nito ang mukha sa kanya. "Ang sabi ko, gusto kita. Gusto kitang maging kaibigan," mahinang bulong niya rito. "Ah, iyon naman pala. Akala ko naman kung anong gusto ang sinasabi mo sa akin. Hindi na ako available, Mayor. I'm already taken. Pasensiya na, nahuli ka eh," wika nito at napatawa siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD