Sebastian : Samantala ay masayang nakauwi si Sebastian buhat sa munisipyo kahit na nag-overtime pa siya. Dinatnan niya ang kanyang ina na kasalukuyan pa lamang na nagluluto. Nadis-oras daw ang mga ito ng uwi buhat sa palaisdaan. Ipinasya na niyang umakyat muna sa kanyang silid. Pagkaupo pa lamang niya sa couch ay tinawagan na niya si Red. Napakunot ang kanyang noo dahil unattended ang number nito. Sinubukan niyang i-dial muli ang number nito ngunit ganoon pa rin. Minabuti na lamang niyang buksan ang kanyang social media para i-chat na lamang ito. Na-dismaya lamang siya dahil hindi rin ito naka-online. Napasandal siya sa couch at napaisip. Masaya lamang niyang kausap ito kanina… Ano kaya ang posibleng nangyari at hindi niya ito makontak man lamang. Nakaramdam siya ng pag-aalala kaya nama

