Naalarma si Sebastian nang marinig niya ang tinuran ni Red mula sa kabilang linya. Napatingin rin siya kay Arissa na nakangiti pa sa kanya. "Hmmm, wala, Red. Isang kaibigan lang. Sige na, may gagawin pa kasi ako. Tawagan na lamang kitang muli mamaya."99⁰ "Ano'ng tatawagan mama--." Naputol na ang linya. Naikuyum ni Red ang kamao. "Sino ang babaing iyon?!" wika niya sa sarili. Hindi siya maaaring magkamali. May something sa pagkatao ng babaing iyon! Nanggigigil na kinontak niyang muli ang numero ni Sebastian… Naiinis siya habang hinihintay nitong sagutin ang kanyang tawag. Kaso nga ay nakakailan na dial na siya ay hindi pa rin nito sinasagot. Nasaan ba ito? Hindi kaya?! Pumasok sa isipan niya ang posibilidad na baka kasama nito ang babae na iyon at nasa iisang kwarto ang dalawa. At baka ka

