Nagpapasalamat si Sebastian dahil naiwasan niya ang posibleng maging dahilan pagkapurnada ng plano niyang panliligaw kay Red. Maayos naman silang naghiwalay ni Hershey. Naipaliwanag niya rito na seryoso siya sa gagawin na panliligaw sa pinsan nitong si Red. Tinanggap naman nito ang naging desisyon niya. Sa huli ay niyakap niya ito. Hindi nito ikinubli sa kanya ang naramdaman nitong sakit dulot ng nabigong pag-ibig nito sa kanya. Pero sa kabila noon ay tinanggap nito ang pakikipagkaibigan niya. Sinabihan din siya nito na kukuha lamang ng tyempo na tulungan siya kay Red. Ayon kasi rito ay pihikan si Red sa lalaki. Patunay nga nito ay ang wala pa rin itong nobyo. Natapos ang pagkikita nila na nagkakaintindihan sila. Nakahinga na siya nang maluwag dahil naayos na niya agad ang magiging problem

