Gian's POV Agad akong umalis doon sa venue at dumiretso palabas dahil sa sobrang inis ko nang makilala kung sino yung lalaking dumating at yumakap kay Cyleen. Siya yung lalaking nasa picture na pinadala ni Cyleen kasama ng sulat. At hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Dahil siya ang rason kung bakit ako iniwan ni Leen. Siya ang rason ng lahat! Kaya minabuti ko na lang na lumabas dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sugurin siya sa harap mismo ni Leen. Tss. "Gian!" rinig kong tawag ni Elaine na sumunod pala sa akin nang lumabas ako. Kaya nga napalingon ako sa kaniya. "Bakit ka biglang umalis?" tanong niya. "Uuwi na tayo." seryoso kong sabi. Kaya napakunot ang noo niya. "Agad? Eh kararating lang natin saka baka hanapin ka ng Tita mo. Hindi ka nakapagpaalam." sabi ni

