1: New Look
Maddie's POV
It's been 5 months na noong umalis si Leen. Pero wala pa din kaming balita sa kaniya. Kahit text or tawag. Nung pinuntahan namin ang Mom niya sa bahay nila, wala na ito. Sumunod na din daw doon kila Leen sa France. Kaya tanging caretaker na lang ng bahay nila ang nandiyan.
At ngayong buwan, abala kami dahil pasukan na ulit. 4th year highschool na kami. Graduating na. Hindi na namin naabutan ang k to 12. Dibale parang last batch na kami ng hanggang 4th year. Yung next batch is mag ssenior highschool na. Hindi diretso ng college kagaya namin.
Nandito kami ngayon sa salon. Inaya ako ng dalawa magpa-new look para daw sa pasukan. At dahil nasa mood ako, pumayag ako. Dito kami dinala ni Louise sa suki niyang bakla. Maganda daw kasi ang mga services.
"Ano bang gusto niyong gawin natin sa mga hairdo niyo girls?" nakangiting tanong ng bakla.
"Well, ako magpapa-haircut lang ako. I need a new look. So, short hair ako." nakangiting sagot ni Louise.
"Ako din papabawas ng buhok. Shoulder-length lang then pakulay. Hihi!" sabi naman ni Andy. Sa akin naman tumingin ang bakla.
"Ako magpapakulay lang. Ito sana'ng brown na ito." sagot ko sabay turo sa magazine na hawak ko. Tumango-tango naman ang bakla.
"Okay! Let's start!" masayang sabi ng bakla kaya naupo na kaming tatlo sa kaniya-kaniyang upuan sa may harap ng salamin. Ako ang inasikaso ng friend ni Louise na bakla tapos kila Louise at Andy yung dalawa pang staff ng salon. Bukod sa hairstyle, napagdesisyunan din naming magpamanicure at pedicure na tatlo. Pero si Louise nagpa-footspa din saka handspa. Kilala niyo naman ang babaitang iyan. Masyadong maarte sa katawan.
_
Nang makalipas ang ilang oras at natapos na kaming ayusan ay humarap kami sa isa't-isa. Lalo na nung makita namin si Andy na pink ang buhok.
"Ands? What the hell?" tanong ni Louise.
"O, bakit? Ayos ba? Hehe." sabi niya sabay finlip pa buhok niya.
"Seryoso ba? Pink talaga?" sabi ko.
"Oo, bakit. Ang cute kaya. Parang cotton candy. Love it. Rainbow nga sana eh kaso sabi ng bakla pink na lang daw para hot." sabi ni Andy sabay nagpose pa sa salamin. Nagkatinginan kami ni Louise. Mukhang wala namang pinagsisisihan ang gaga kaya hinayaan na lang namin. Medyo bumagay naman sa kaniya kasi di naman siya ganon kaitim. Medyo agaw pansin nga lang dahil matingkad sa mata ang pink.
After naming pumunta sa salon ay nag-ikot ikot na kami sa mall. Nagshopping ng mga ilang damit si Louise tapos nag-aya na si Andy kumain kaya napili namin ang isang italian resto. Doon kami naupo sa table sa may tabi ng glass window dahil iyon ang maganda spot.
"May I take your order?" tanong ng waiter nang lumapit sa amin.
"One spaghetti bolognese for me and mango juice." sagot ko.
"Chicken alfredo for me and iced tea." sagot naman ni Louise.
"Ako po pepperoni pizza, baked mac, potato wedges, fried chicken, chocolate mousse and coke. Iyon lang. Hehe." nakangiting sagot ni Andy. Tumango na lang ang waiter tapos umalis na.
"Seriously, sis? Ikaw lang kakain lahat non?" tanong ni Louise.
"Oo, bakit. Kagutom kaya mag-ikot. Ginutom mo ako." sagot naman ni Andy. Napairap na lang si Louise at inilabas ang lipstick niyang kabibili lang kanina. Ittry niya sana kaso napahinto siya nang mapatingin sa labas.
"Wait, is that your brother?" kunot noong tanong niya habang nakatingin sa labas.
"Saan?" tanong ko at tinignan ang tinitignan ni Louise. At iyon, naconfirm ko ngang si Gian nga ang nakita niya. Kaso nagulat ako nang makitang may kasama siyang babae na nakahawak sa braso niya.
"Sino naman iyong kasama niya?" tanong ni Andy. Tinitigan ko ang babae. Parang pamilyar kasi sa akin ang mukha. Parang nakita ko na sa kung saan.
"Well, base sa nakikita ko mukhang hindi lang sila basta friends gurl. Mukhang may something." sagot naman ni Louise. Nang umalis na si Gian ay napatingin sila sa akin ni Andy.
"Hindi mo alam ang tungkol diyan?" tanong sa akin ni Louise. Umiling ako bilang sagot.
"Really? You're in the same roof na pero wala kang alam?" tanong niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ano namang kinalaman ko sa mga pinaggagagawa niya? Kita mong halos hindi naman kami nag-uusap niyan. Puro kami bangayan." sagot ko. After kasing ikasal si Mama at Tito Derek eh napagdesisyunan na nilang magsama sa iisang bubong. Kinuha na ako ni Mama sa puder ni Tita Aubrey. At oo, magkasama na kami sa iisang bahay ni Gian. Pero halos di naman kami nag-uusap dahil lagi siyang nakakulong sa kwarto niya. Kung hindi man, eh lagi naman siyang umaalis. At hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Kung nagkkrus naman ang nga landas namin, lagi naman kaming nagtatalo at nagbabarahan. Ewan ko, pero talagang hindi kami magkasundo sa mga bagay-bagay.
"Oo nga naman. Para kayong aso't pusa. Hahaha!" asar ni Louise. Inirapan ko na lang siya. As if naman kasi magpatalo ako sa Gian na iyon no?
"Pero, grabe no? Naghanap na din siyang iba. Akala ko hihintayin niya pa si Leen. Sayang akala ko talaga magiging sila." sabi ni Louise.
"Masisisi mo ba siya? Eh halos wala na ding paramdam si Leen kahit sa atin. Tapos ang alam niya may bago na si Leen. Kaya siguro naghanap na din siyang iba para makalimot." sabi ko. Nagkibit balikat na lang si Louise.
"Oh well, that's life. Talagang ganon. If sila naman talaga, pagtatagpuin pa din naman sila ni destiny." sabi niya. Sakto namang dumating na ang order naming pagkain kaya kumain na kami. After naming kumain ay nagkaayaan na din kaming umuwi. Nang makauwi ako sa bahay, naabutan kong nagdidinner na sila Mama sa dining area. Nagulat lang ako nang makita yung babaeng kasama ni Gian kanina sa mall. Katabi niya si Gian.
"O, Iyah. Nakauwi ka na pala. Halika, sabayan mo na kami kumain." aya ni Mama sa akin. Napansin naman ni Mama na nakatingin ako sa babaeng katabi ni Gian kaya nagsalita siya.
"By the way, meet Elaine nga pala anak. Girlfriend ng kuya Gian mo." nakangiting sabi ni Mama. Ngumiti naman sa akin yung Elaine pero hindi ako ngumiti pabalik. Bakit naman kasi ako ngingiti pabalik eh hindi ko naman siya kaclose.
"Sige Ma, busog pa ako. Kumain na din po kami nila Louise sa mall eh bago umuwi. Kaya aakyat na lang po ako sa kwarto ko." sabi ko.
"Ganon ba? Osige." sagot ni Mama. Tinapunan ko na lang ulit ng tingin sa huling pagkakataon si Gian at yung Elaine. Tapos umalis na ako doon at nagtungo sa kwarto ko.
Ngayon naalala ko na kung saan ko nakita iyang Elaine. Sa eastwell din siya nag-aaral gaya namin. Kaso ibang section siya. Siya din yung babaeng ikakasal sana kay Gian nung sa wedding booth. Kaso tumakbo si Gian non paalis.
Nang makaakyat ako sa kwarto sakto namang tumawag din si Eirol. Kaya nga agad ko itong sinagot. Bumungad sa akin ang ngiti niya nang makita ako.
"Goodevening Maddie ko." masayang bati niya.
"Anong good sa evening? Tss."
"O, bakit bad mood ka na naman? May nangyari ba? Wow! Nagpasalon pala ang Maddie ko. Lalo kang gumanda. Hays." sabi niya.
"Iyon may bago ng girlfriend si Gian." sabi ko. Kita ko naman sa mukha niya ang pagkabigla.
"Ha? Totoo ba? Nakahanap na pala siya ng ipapalit kay Leen. Pero bakit parang hindi ka yata masaya? Di ba dapat matuwa ka kasi hindi na magmumukmok iyang kapatid mo."
"Ewan ko ba. Nakakainis lang. Kasi--" napatigil ako nang maalala na bawal nga pala sabihin kahit kanino ang totoong dahilan ni Leen. Kahit kay Eirol.
"Kasi?" tanong niya.
"K-Kasi akala ko totoong mahal niya si Leen. Akala ko talagang maghihintay siya. Pero hindi. Nakahanap agad siyang bago." sabi ko.
"Madds, you can't blame him. Paano pa niya ipaglalaban yung nararamdaman niya kay Leen kung hindi naman siya siguradong may ipaglalaban pa nga ba talaga siya." sagot ni Eirol. Hindi ako nakasagot. May punto siya.
"Lumaban si Gian. Kusa na lang talaga siyang sumuko kasi kay Leen na mismo nanggaling na wala na siyang dapat ipaglaban pa." dagdag niya. Napabuntong hininga naman ako.
"Ganon ba talaga kayong mga lalaki? Basta-basta na lang susuko kapag nagsawa ng lumaban?" tanong ko.
"Alam mo depende kasi sa sitwasyon. Kaming mga lalaki, lalaban kami hanggang sa abot ng aming makakaya. Basta ipakita niyong sinusuportahan niyo kami. Na may dahilan pa para kami ay lumaban at magsakripisyo, talagang tatapusin namin. Pero kung sa inyo na mismo nanggaling na wala na kaming dapat ipaglaban. Susuko na kami. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon eh matatag kami. Marunong din kaming mapagod gaya niyo." sabi niya.
"Tss. Edi wow." sabi ko na lang kaya napahalakhak siya.
"O? Wag kang magalit sa akin. Sinasabi ko lang opinyon ko. Hahaha! Miss na nga kita eh tapos susungitan mo pa ako." sabi niya.
"Tss."
"Kaso di pa ako pwedeng pumunta ulit diyan. Mag-iistart na ang klase niyo saka namin. Sa bakasyon na lang ulit ako makakapunta diyan. Which is next year pa." sabi niya. Bigla naman akong nalungkot sa loob-loob ko. Tuwing bakasyon lang kasi uuwi dito si Eirol. Kapag holiday kasi hindi siya pinapayagan ng Papa niya dahil time daw para sa family nila iyon.
"Wag ka na malungkot. Isipin mo saglit lang iyon. Nakamarka na sa kalendaryo ko lagi ang pagpunta ko diyan." sabi niya sabay kindat.
"Saglit ka diyan. Eh next year pa." sabi ko.
"Ito naman naiinip agad. Hahaha! Saglit lang iyan. Wag mo isiping matagal. Saka gawin mo na lang busy ang sarili mo para hindi mo napapansin ang pagdaan ng mga araw." sabi niya at nginitian ako. Binigyan ko na lang din siya ng ngiti pabalik.
Nang mag alas nuwebe na ay nagpaalam na ako kay Eirol. Ito kasi ang oras talaga ng tulog ko kahit na walang pasok. Pero bago ako matulog naisipan ko munang uminom ng tubig kaya bumaba muna ako saglit sa kusina.
Saktong umiinom ako nang biglang pumasok si Gian sa kusina. Kumuha siya ng pagkain sa ref. Tinignan ko lang siya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay tinaasan niya ako ng kilay.
"What?" mataray niyang tanong saka saktong aalis na nang magsalita ako.
"So, nakahanap ka na pala ng pamalit kay Leen." sabi ko. Sanhi para mapatigil siya at lumingon ulit sa akin.
"And so? What's the big deal? She gave me reasons to do it. Nagsisimula na din akong gumawa ng panibagong buhay ng wala siya. Kasi iyon ang ginawa niya." sagot niya.
"Paano kung malaman mong may rason talaga siya bakit siya umalis? Babalikan mo pa ba siya?" tanong ko.
"What do you mean? May alam ka ba na hindi ko alam, Maddie?" tanong niya kaya napatigil ako. Should I tell him? Kaso nangako ako kay Leen. Pero hindi ko naman kayang panoorin na lang si Gian ng ganito.
"Kasi Gian--" napatigil ako nang biglang nagring ang phone ni Gian. Mukhang si Elaine ang tumawag. Kaya umalis na lang ako doon at iniwan siya. Bumalik na lang ako sa kwarto ko.
Hays, Maddie. Muntik mo ng sabihin sa kaniya! Ano ka ba? Nangako ka kay Leen. Wag kang masyadong magpadala sa ginagawa ng Gian na iyan. Magtiwala ka na lang sa kaibigan mo. May rason siya kung bakit niya ginagawa iyan. Wag mo na lang siyang pangunahan. Oo, tama. Ganon isipin mo Maddie. Isipin mo babalik na din agad si Leen. Magiging okay na ang lahat.