2: Impression

2090 Words
Andy's POV Nandito kami ngayon ni Drex sa sala at kasalukuyang nanonood ng movie. Masaya akong kumakain ng popcorn habang nakasandal ako sa kaniya. Hihi. Gusto ko kasi yung ganito. Yung nakasandal ako sa kaniya habang nakaakbay siya sa akin. 3 months na kaming mag-on. At so far wala pa naman kaming nagiging problema. Well, sana nga wala talaga. Mabait naman si Drex eh. Hindi nagbago pagtrato niya sa akin. Parang tropa nga lang kami eh. Hahaha! Lagi kaming nagkakasundo sa pagkain kasi lagi niya akong nililibre. Tapos nagkakasundo din kami sa gaming. "Do you think It's the time already?" bigla niyang sabi. Napalunok naman ako. Hehe. Yan na inuungkat niya ulit. Actually inuungkat niya na iyan nung isang buwan pa lang kami. "Gusto na kita ipakilala kay Mama, Andy." seryoso niyang sagot. Hindi ako umimik. Una pa lang naman gusto niya na akong ipakilala eh kaso ako lang ang umaayaw. Kasi natatakot ako na kinakabahan. Na baka hindi ako magustuhan ng Mama niya. Na baka sungitan ako ganon. "Eh? Pwede bang next time na lang? Hehe." sagot ko sabay subo ng popcorn. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Andy, kailan pa? Ang unfair kasi sa part mo. Ako kilala na ako ng parents mo. Tapos ikaw ni hindi ka pa kilala ni Mama. Naikkwento na kita sa kaniya pero hindi ka pa niya nakikita in person." sagot ni Drex. Napatingin naman ako sa kaniya. "Eh ano kasi..." "Ano?" "Baka hindi ako magustuhan ng Mama mo. Natatakot ako." sabi ko. "Why? She's not that bad. Saka for sure naman magugustuhan ka ni Mama. Trust me." sabi niya sabay hawak sa pisngi ko. "Pag-iisipan ko." sagot ko. "Andy please? Gusto na kitang ipakilala kay Mama. 3 months na tayo hindi ka pa din niya nakikita in person. Sa picture ka lang niya nakikita. Please?" "Hays. Sige na nga." sabi ko. Napapayag na lang ako dahil nakokonsensya din naman ako para kay Drex. Baka isipin niya ayokong makilala nanay niya. Hahaha! Nahihiya lang kasi talaga ako. "Okay, okay! Thank you. Sasabihan ko agad si Mama bukas." masaya niyang sabi sabay kuha ng phone niya. Hala? Bukas agad? Di ba pwedeng next week? Or next month? Huhu. Pumayag lang ako eh di ko naman sinabing bukas agad. _ Kinabukasan, tinawagan ko agad si Louise at Maddie. Pinapunta ko sila sa bahay dahil sabi ko may emergency. Kaya nga nagmadali ang dalawa na pumunta sa amin na hinihingal pa. "O, bakit anong emergency?" tanong ni Maddie. "Help me to get a good first impression." sabi ko at nagpuppy eyes. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Louise. "Ano? Gago ka ba? Pinagmadali mo kami dito para lang diyan?" masungit na sabi ni Maddie. Natawa naman si Louise. "Para saan ba gurl?" tanong ni Louise. "Eh kasi ipapakilala na ako ni Drex ngayon sa Mama niya. So, gusto ko sana maging presentable ako? Can you help me guys to dress up?" sabi ko. "Well, I love dress up." nakangiting sabi ni Louise. Kaya nga inaya ko na sila paakyat sa kwarto ko. Dumiretso si Maddie sa closet ko para maghanap ng damit na isusuot ko. Tapos si Louise dumiretso sa vanity table ko. "Ito maganda ito. Simple lang." sabi ni Maddie sabay lapag ng dress sa higaan ko. Plain dress siya na may manggas. "Tapos ipartner mo dito sa doll shoes." sabi ni Louise sabay lapag ng sapatos. Tumango-tango na lang ako sa kanila. Sinimulan na akong ayusan ni Louise. Nagpalagay ako ng wig sa kaniya. Baka kasi kapag nakita ng Mama ni Drex na color pink ang buhok ko eh masabihan akong adik. Inapply'an na din ako ni Louise ng light make up. Nang mayari ako ayusan ni Louise ay sinuot ko na din agad ang dress na napili ni Maddie sa closet ko. "So, okay lang ba guys?" tanong ko sabay pose sa harap nila. "Bakit ba kasi kailangan ka pang magwig? Eh ginusto mong magpakulay tapos itatago mo." sabi ni Maddie. Napapout naman ako. "Gusto ko naman talaga. Eh kaso baka mamaya yung Mama ni Drex ayaw." sabi ko. "Hay, nako. Wag mo pansinin si Maddie, Ands. Basta maging confident ka lang. Magugustuhan ka din ng Mama ni Drex. Ikaw pa?" nakangiting sabi ni Louise. Napayakap na lang ako sa kaniya saka kay Maddie. "Thanks guys. Don't worry babawi ako sa inyo." excited kong sabi tapos umalis na din sila agad. Sakto din namang nagtext na si Drex na papunta na siya para sunduin ako kaya nag-ayos na ako. "Anak, nandiyan na si Drex sa baba." rinig kong tawag ni Mama. "Opo, Ma. Bababa na po." sabi ko sabay tumingin pa ulit ng huling beses sa salamin bago tuluyang lumabas. Nang makababa ako ay nakita ko si Drex sa sala na nakaupo. Kausap si Mama. Nang mapansin nila ang presensya ko ay napatingin sila sa akin. "O, iyan na pala eh." sabi ni Mama. Napatayo naman si Drex at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Sige, tita. Thank you for welcoming me. Aalis na din po kami." pagpapaalam ni Drex kay Mama. Nakangiti namang tumango si Mama. "Osige. Mag-iingat kayo ha?" sabi ni Mama nang makalabas na kami ni Drex. Nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya ay agad na akong pumasok sa loob. Tapos sumakay na din siya agad. Napabuntong hininga siyang tumingin sa akin kaya napakunot noo ako. "Why?" tanong ko. "You look pretty today but..." "But?" "Nothing." sagot niya saka inistart na ang sasakyan niya. Hindi niya ako kinausap buong byahe. Which is nakakapanibago. Pero inignore ko na lang kasi bawat metro'ng tinatahak namin ay papalapit na ng papalapit sa bahay nila. At iyon nga nung makarating kami kabado akong bumaba ng sasakyan niya at napatingin sa bahay nilang two-storey. Ngayon lang ako nakapunta dito sa tatlong buwan ng relasyon namin. Hahaha! Phew. Hinga. "Let's go?" aya niya. Tumango na lang ako tapos naglakad na papasok ng bahay kasama siya. Hindi ko maiwasang hindi ilibot ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila. Simple pero maganda. Mediterranean ang style. Dumiretso kami sa dining area nila. Naabutan ko doon ang mga maid na nag-aayos ng lamesa. Luminga ako sa paligid para hanapin ang Mama niya pero mukhang wala pa. Kaya pinaupo na muna ako ni Drex. "Wait, here. Tatawagin ko si Mama." sabi ni Drex. Tumango na lang ako tapos umalis na siya. Ako ang naiwan dito ngayon sa harap ng lamesa nila na may nakahaing mga pagkain. Nagningning ang mga mata ko. Pero pinigilan ko ang sarili kong kumuwit ng pagkain. Baka akalain patay gutom ako. Hahaha! Pero kasi mukhang masarap ang pagkain. Gutom na ako. Huhu. Ilang minuto ang lumipas. Wala pa ding Drex or Mama niya ang nagpapakita kaya natetempt na talaga akong kumuwit sa mga pagkaing nasa harapan ko. Hays. Nasaan na ba sila? Kumakalam na ang sikmura ko. Hindi ako kumain ng meryenda or hapunan sa bahay para lang dito eh. Biglang may umupong babae sa tapat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang din siya sa akin. Hmm. Magpaalam na lang kaya ako dito kay ate na kung pwede kumuwit ng konti? Hehe. Mas maganda ng nagpapaalam kaysa hindi di ba? "Ate? Pwede kaya ako kumuwit ng pagkain? Hehe. Kagutom eh." sabi ko. Napatitig naman siya sa akin sabay tinaasan akong kilay. Hala? Bawal ba? Ang damot naman ng katulong na ito. Sumbong ko ito kay Drex eh. "Ma, nandiyan ka na pala. Hinahanap kita sa taas." salubong ni Drex nang makabalik. Pero nanlaki ang mata ko nang makita na ang tinatawag niyang Mama ay yung babaeng nakaupo sa harapan ko na napagkamalan kong katulong. Hala? Shet. "So, nakilala niyo na pala siya Ma?" nakangiting tanong ni Drex sa Mama niya sabay tingin sa akin. "Hehe. Goodevening po Mrs. Gatdula." bati ko pero hindi makatingin ng diretso sa Mama niya. Shet. Lupa lamunin mo na ako. Myghad! Nakakahiya! Bakit ba kasi ang daldal ko? "Yeah. So, she's your girlfriend pala?" rinig kong sabi ng Mama niya. Naupo naman si Drex sa tabi ko. "Yes, Ma. She's Andy. Yung kinukwento ko sa inyo." masayang sagot ni Drex. Curious tuloy ako kung anong kinukwento niya sa Mama niya. "I see. Okay then, let's eat. Mukhang gutom na kayo eh." nakangiting sabi ng Mama niya na inemphasize pa ang word na gutom. Na sure namang ako yung pinaparinggan. Huhu. Nagsimula na kaming kumain pero hindi ganon kadami ang kinuha ko gaya ng gusto kong kunin. Pinipigilan ko ang sarili kong magmukhang patay gutom sa harap ng Mama ni Drex. Nang mapansin ni Drex na konti lang ang laman ng plato ko ay kumuha pa siya ng pagkain at pinaglagyan ako. Napatingin naman ako sa kaniya. "Ang konti ng kinuha mo." sabi niya habang nilalagyan ng pagkain yung plato ko. Napatingin naman ako sa Mama niya na nakatingin ngayon sa plato ko na madaming pagkain. "Hehe. Ayos na iyan. Ang dami. Hindi ko mauubos iyan." sabi ko. Napatitig naman sa akin si Drex. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Oo nga naman anak. Bakit tinambakan mo ng pagkain ang plato niya? Hindi niya iyan mauubos. Look how thin she is." sabi ng Mama niya. Hehe. Kung alam niyo lang Tita, kulang pa itong sinasabi niyong tambak na pagkain. Mukhang nagets ang gusto ni Drex na mangyari kaya tumigil na siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Pero parang nawala siya sa mood? "So, bakit ngayon mo lang naisipang bumisita dito hija gayong tatlong buwan na pala kayong magkasintahan ng anak ko?" tanong sa akin ng Mama niya. Napalunok naman ako. Ano nga ba sasabihin ko? "Sorry po. Medyo kinakabahan po kasi ako actually. Ngayon lang po ako nagkaroon ng ganitong feeling." sagot ko. "So, ang anak ko ang first boyfriend mo?" "Yes po." sagot ko. Napatango naman ang Mama niya. Tapos non tahimik na lang kaming tatlo na kumain doon. Hindi na din ako makadaldal kasi kusang tumiklop bibig ko dahil sa nangyari kaninang kahihiyan. Hindi ko lang alam kung natuwa ba sa akin ang Mama ni Drex dahil sa nangyari. Nang matapos ang dinner ay nagpaalam na kami ni Drex sa Mama niya bago lumabas ng bahay. Nang makalabas kami ng bahay ay hindi niya pa din ako pinapansin. Kaya parang nakakutob na ako na may mali. "Drex?" tawag ko. Hindi siya lumingon. "Drex?" tawag ko ulit sabay hawak sa kamay niya. Kaya napalingon siya sa akin. Napapout ako nang mapatitig siya sa akin. Walang emosyon ang mukha. Hala? Bakit parang disappointed siya? Anong nagawa ko? Dahil ba sa pag-aakala kong katulong ang Mama niya? Huhu. "Galit ka ba sa akin?" tanong ko. Napabuntong hininga naman siya. "No, I'm not mad at you." sagot niya. "Eh bakit parang hindi mo ako pinapansin?" tanong ko. Bumuntong hininga ulit siya sabay tinanggal ang wig na suot ko at kumuha ng wipes sa kotse niya sabay tanggal sa make up ko. Kahit naguguluhan ako ay hinayaan ko siyang gawin iyon. "You look prettier without this." sabi niya na tinutukoy ang wig at make up. "Hindi mo na kailangan ng mga ganito. Hindi mo na kailangang magpanggap sa harap ni Mama para magustuhan ka niya." sabi niya. "Eh kasi nagwoworry lang naman ako. Baka hindi niya ako magustuhan." sagot ko. Well, baka nga ngayon ayaw niya na sa akin dahil sa ginawa ko kanina. Tsk. Hinawakan ni Drex ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko. Kaya nga napatitig din ako sa kaniya. "Andy, kahit sinong tao magugustuhan ka. Mabait ka at masiyahin. You're innocent and natural. Ikaw ang nagpapasaya sa akin. Kung hindi ka nila magugustuhan dahil lang sa pinapakita mo ang tunay na ikaw, let them be. Sila ang may problema at hindi ikaw dahil hindi nila makita kung ano ang nakikita ko sa iyo." sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Talaga?" "Yep. Kaya next time, wag mo ng uulitin ito okay? Ayokong nagpapanggap kang ibang tao. Ayokong tinatago mo ang Andy na minahal ko." sabi niya. Tumango na lang ako kaya binigyan niya ako ng isang halik sa noo. "Let's go. Ihahatid na kita." nakangiti niyang sabi sabay isinakay na ako sa sasakyan niya. Napangiti na lang ulit ako sa ginawa ni Drex. Pero nawala ang ngiti ko nang maalala na naman yung kaninang sinabi ko sa Mama niya. "Ate? Pwede kaya ako kumuwit ng pagkain? Hehe. Kagutom eh." "Ate? Pwede kaya ako kumuwit ng pagkain? Hehe. Kagutom eh." "Ate? Pwede kaya ako kumuwit ng pagkain? Hehe. Kagutom eh." Napasapo na lang ako sa noo ko nang paulit-ulit na magflashback iyon sa isip ko. Nice Andy. Gandang first impression niyan. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD