Maddie's POV Nagising ako na nasa kama na ako. Samantalang ang pagkakaalala ko ay nasa sala kami kanina nila Louise. Kaya nga lumabas ako ng kwarto para hanapin sila. "Eirol has an amnesia. Naaksidente siya 2 months ago sabi ni Tita Jamie." rinig kong sabi ni Drex kaya napatigil ako. May amnesia si Eirol? "Ha? Eh bakit kilala niya pa din kayo?" naguguluhang tanong ni Andy. "Mukhang ang recent memories niya lang ang hindi niya maalala. Which is nung dumating kayo. Kasi kilala niya pa kami saka ang mga parents niya." sagot ulit ni Drex. "Ha? So, you mean. Pati kami eh hindi niya din maalala?" tanong ni Louise. Tumango naman si Drex. "Kaya pala halos hindi sila nagkausap ni Maddie ng dalawang buwan, Louise. Kasi wala ng maalala si Eirol non." sagot ni Andy. "Mukha nga." sabi ni Louis

