Maddie's POV "Are you even sure na si Eirol iyon ha?" tanong ni Louise. Nakabalik na kami sa Villa at nandito kami ngayon sa kwarto namin nila Andy. Ayoko kasing makita nila Ethan na umiiyak ako. Kaya ito kila Louise at Andy ako humahagulgol. "Oo nga, Maddie. Baka hindi si Eirol iyon. Baka namalikmata ka lang." sagot naman ni Andy sabay haplos sa likod ko. Si Louise ay nakapamewang sa harap ko. "Sigurado ako! Nagkatitigan kami. Si Eirol iyon. Hindi ako pwedeng magkamali." sabi ko. "Sige. Sabihin nating si Eirol iyon gurl ha? Pero malay mo naman relative niya lang yung babaeng kasama niya. Wag ka munang mag-isip ng kung ano." sabi ni Louise. "Paano mo maipapaliwanag yung hindi niya man lang ako pinansin or naisipang lapitan nung nagkatitigan kami? Yung tingin niya Louise. Parang...Para

