Andy's POV Nang mag-uwian ay nakatanggap akong text kay Papa na dumaan daw muna ako sa grocery na lagi naming binibilhan dahil naiwan niya daw doon yung bouquet na binili niya para kay Mama nung naggrocery siya kanina. Wedding anniversary kasi nila ngayon kaya naisipan ni Papa bilhan si Mama ng bulaklak. Eh kaso may pagka ulyanin na si Papa kaya iyon. Hahaha! Nagpaalam na ako agad kila Maddie na may dadaanan lang ako saglit kaya mauuna na ako. Tatambay pa kasi sila sa café para hintayin si Leen. Nang makarating ako sa grocery store ay agad akong lumapit sa baggage counter para tanungin kung may nakaiwan ng bouquet. Ayaw pa ibigay sa akin nung una kasi daw wala akong number tag na hawak. Kaya pinakita ko na lang sa kaniya yung pinicture'an ni Papa na number kaya naniwala din sa akin si k

