“What the hell is this all about?” Ang galit na boses ni Marcelo Vera ang dumadagundong sa conference room ng opisina ng Vera Industries. Walang gustong bumasag ng katahimikan. Tila nararamdaman pa ng lahat ang dagundong ng boses ng matandang Vera. Ibinato nito sa gitna ng malaking conference table ang report na kungsaan ay nakuha ng kanilang kumpanya ang construction works ng Asian Tournament subalit hindi ang media promotions nito at coverage. “I wanted the whole damn deal! Not a crumb of it!” singhal nito. “Where is Mateo?” “Sir, he is in VBN office right now. There is an on-going Trade Event with the advertisers,” paliwanag ang isa sa mga staff na naroon. “Pabalikin si Mateo rito pagkatapos na pagkatapos ng Trade Event.” Pagtayo ni Marcelo ay mabilis na rin itong umalis ng conferen

