Nang dumating si Lanie sa kaniyang condo ay naroroon na si Mateo. Nakaupo ito sa single seater na sofa. Ibinaba ni Lanie ang dalang bag sa mahabang sofa ay lumapit kay Mateo. Kumandong si Lanie at nakangiting tinanong ang katipan, “Kumain ka na ba?” Hindi sumagot si Mateo. Doon napansin ni Lanie ang nagtatangis na bagang ng binata. “Are you okay?” tanong ni Lanie. Sa malamig na tono, “I told my father about us. Hindi niya nagustuhan na may koneksyon ang trabaho mo sa mga Lacson. I may be able to understand your work arrangement but not Papa.” Tumayo si Lanie at lumakad. Nang muli itong humarap, “Wala akong magagawa kung hindi tanggap ng papa mo ang trabaho ko, Mateo. I’m obligated to do so.” “Then leave the company. Maski hindi ka magtrabaho sa kaparehong field para walang conflict

