Daig pa sa tunay na kapatid ang samahan nina Iggy at Mateo. Nag-aalala si Iggy sa matalik na kaibigan. Sa trabaho, nagagawa man nito ang mga responsibilidad, ngunit sa pag-uwi nito kalungkutan ang bumabalot dito. Lingid sa kaalaaman ni Mateo, nakipagkita si Iggy kay Mira, ang best friend ni Lanie upang makabalita sa kalagayan ng babaeng minamahal ng kaniyang matalik na kaibigan. Saksi siya sa maiksing panahon na muling nagkita sina Mateo at Lanie kung gaano mula sa kalungkutan ay naging masaya ito. It has been years since nakita niya itong maging masaya. Iyon ay bago namatay ang kapatid nitong si Kaye. Kaya maging siya ay pinipiga ang puso sa nakikitang hinagpis ng kaibigan. Wala man itong sinsabi, ang nakabibinging katahimikan ang lalong nakapagpa-alala sa kaniya. "Mira, sana maitindi

