UMUGONG ANG bali-balita sa opisyal nang pag-alis ni Belinda sa VBN. Kasunod niyon ang paglipat nito sa isang network na hindi pinangalanan. Sa ngayon ay umalis si Belinda para mag-bakasyon ayon sa statement na iniwan nito sa press. Kasama niyon ang mensahe para linisin ang pangalan ni Mateo mula sa mga intriga na walang katotohanan na binugbog siya nito at nabuntis. Humingi rin ng paumanhin si Belinda sa hindi maagap na pagtutuwid ng maling akala kay Mateo. Samantalang si Lanie ay patuloy na pumapasok sa opisina at itinalaga ang kaniyang senior staff na magbigay ng mga ulat sa kanilang mga eksperimento. Nagkakaintindihan naman sila ni Eric na matapos ang proyektong ito ay kailangan nilang magkalayo. MULA SA DI KALAYUAN ay tanaw ni Mateo ang babaeng matagal na niyang pinapangarap. Kababab

