Madaling naayos ang kasal nina Lanie at Mateo. Malugod na nagkapalagayan agad ang loob si Lanie at ang mga magulang ni Mateo. Tuwang-tuwa ang mga ito maging ang kaniyang ina nang malaman na kambal ang kaniyang dinadala. Sumunod niyon ay ang paglipat ng dalawa sa bagong bahay na sabi ni Mateo ay wedding gift niya para sa kaniya. Wala nang mahihiling pa si Lanie. Masuwerte siya sa ugali ng asawa. Hindi lang sa guwapo at mayaman ito, kundi ang mabuti nitong loob. Wala na siyang mahihiling pa. Nang minsan ay dinalaw siya ni Mira sa bago at malaki nilang bahay ni Mateo. Hindi nito mapigilan ang humanga sa ganda at lawak niyon. “Grabe ka friendship. Nalibot mo na ba itong bahay mo? Ilang araw bago ka makarating sa kitchen?” biro ni Mira. “Ikaw talaga, hindi naman araw. Pero medyo malayo nga

