Tinutok niya ang hubad na katawan sa maligamgam na tubig na nagmumula sa shower. Nakapikit ang mga mata niya. Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya napigilan ang pagsiklab ng galit niya kay Atasha kanina. Masyado lang siyang nag-alala sa asawa, dahil hindi biro ang dinanas nito sa mga kamay ni Joey. Hindi sana mangyayari ang lahat ng iyon kung nagsabi lang ng maaga sa kanya ang asawa. "Damn it!' Mura niya at napahampas pa sa tiles. Paulit-ulit nang humingi ng tawad sa kanya ang asawa, umiyak pa nga ito kanina. Nais na nga niya itong yakapin, pinigilan lang niya muna ang sarili, dahil kung pagbibigyan niya agad ang asawa dahil lang umiyak ito at nagsorry sa kanya, ay tiyak na mauulit at mauulit pa ang ganito sa kanila ng asawa. Nais nga niyang sisihin din ang sarili sa nangyari,

