Matinding pagpipigil ang ginawa niya para hindi madala sa pang-aakit sa kanya ni Atasha, hindi pa naman talaga niya pwedeng angkinin ang asawa sa ganoong sitwasyon nito, kailagan muna niyang magtiis ng mga ilang araw or worst linggo. Isama na rin na kailangan niyang magmatigas kay Atasha, magpatuloy ang malamig na pakikitungo, para naman ma gets nito na kailangan rin nitong makinig sa kanya. Matiyaga na lang siyang naghintay sa loob ng silid nila habang naliligo pa ang asawa, hindi na pinasara ni Atasha ang pintuan ng bathroom, para daw matawagan siya nito pag natapos na itong maligo, kailangan din niyang lagyan ng gamot ang mga sugat ng asawa pagkatapos nitong maligo, panigurado din na siya ang magbibihis sa asawa mamaya. Torture na naman iyon para sa kanya. "Hold on, brad, hold on," bu

