Makalipas ang ilang linggong paglilitis kay Joey tuluyan na itong nakasuhan, marami pang mga babaing lumabas at nagreklamo sa lalake, kaya tiyak na wala itong kawala sa parusa. Hindi naman nakasuhan si Karina sa pakikipagsabwatan nito kay Joey, dahil si Karina rin naman ang unang tumawag ng tulog para kay Atasha. Isa pa si Atasha na rin ang nagsabi na huwag ng kasuhan pa si Karina, para na rin sa Daddy nito. Mukhang nagsisisi naman na si Karina sa nangyari, humingi na ito ng tawad sa asawa niya, dahil na rin mabait at malambot ang puso ni Atasha, pinatawad nito si Karina. Nangako si Karina na hindi na manggugulo pa kay Atasha, pati ang madrasta ni Atasha humingi na rin ng tawad sa asawa niya, sa lahat ng ginawa ng mga ito. Mukhang ramdam ng mag-ina na nagdududa na si Mr. Madrigal sa mga it

