After 1 week nakauwi na sila ni Nico ng San Miguel halos hindi na nila madala-dala ang mga gamit nila sa dami ng pinamili sa kanya ni Nico sa New York. Lahat na lang ng sinukat niya at hinawakan niya binili ng asawa sa kanya, ganyan kung magwaldas ng pera sa kanya ang asawa niya. Wala daw itong hindi ibibigay sa kanya, basta kaya daw nito ibibigay niya. Napatunayan naman iyon ni Nico sa kanya. Isama pa ang hindi niya makakalimutan na dinner nila sa pinakasikat na restaurant sa New York na halos mga taga holywood lang ang nakakapag pa reserved sa restaurant na iyon. Isama pa ang pa surprise sa kanya ng asawa ng mamahaling kwintas na alam niyang hindi biro ang presyo. Feeling celebrity na nga siya sa kakaibang experience na pinaranas ni Nico sa kanya sa New York. Hindi nga siya makapaniwala

