DOROTHY SAGE’S POV The date went well not until Unice decided for the four of us to go on a club. Kaya ko namang uminom pero iba ang pakiramdam ko sa pagpunta namin dito. Tuluyan nang nagsimula ang gabi at tulad ng aking inaasahan mapaparami nga ang inom ni Unice. Palagi niya rin akong binibigyan pero paunti-unti lang ang kaya ko, sometimes Ulysses will drink for me just to keep me sober. Ayaw niyang malasing ako. “Waiter! Another round please!” Nakangiting saad ni Unice habang nakataas sa ere ang isa niyang kamay. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya dahil namumula na ito sa kalasingan. “Unice, that’s enough.” Napatingin ako kay Real nang magsalita ito. Kanina ko pa napapansin na tahimik siya mula nong pumasok kami rito sa club. He sometimes talks but not too much. “Real, you s

