DOROTHY SAGE'S POV Tulala ako habang nakatingin kay Real na ngayon ay umoorder ng sarili niyang pagkain dito sa cafeteria. Hanggang ngayon, andito parin sa isipan ko ang nangyari nong gabing nagpunta si Ulysses sa loob ng apartment ko sa unang pagkakataon. "Doti-girl, ano 'yan ha? May pagnanasa ka ba kay Real?" Rinig kong wika ni Divine matapos niyang ibangga ang kanyang balikat sa balikat ako. "Anong pinagsasabi mo diyan?" Kunot-noo kong tanong sa kanya habang sinusundan parin ng tingin si Real na ngayon ay umupo sa kabilang table nang mag-isa. Hindi nagtagal ay may dalawang babaeng tumabi sa kanya at dalawa ring lalake. Minsan ko na siyang nakitang may makakasabay na kumain galing sa ibang department, and I didn't bother asking him why. "Yan oh, titig na titig ka sa kanya hanggan

