DOROTHY SAGE'S POV
Ang bilis na panahon, isang academic year na lang at matatapos na ako sa kolehiyo.
My life for the past several years became peaceful, pwera na lang sa fraternity life ko. At oo, kasali parin ako sa frat ni Ulysses.
Nagawa ko ang plano ko ngayong college, nasa iisang university lang kami ni Ulysses at iisang kurso lang din ang kinuha namin. And guess what? My calculations were right.
Ulysses and I are now closer than ever.
"Dorothy!" Tila tumalon ang puso ko nang marinig ko ang boses na 'yon na tumatawag sa akin mula sa malayo.
Awtomatiko akong napangiti nang makita itong kumaway sa akin habang bitbit niya ang makapal nitong libro. His black knitted vest compliments his white inner shirt.
Kapansin-pansin din na napapatingin sa gawi niya ang mga babae dahil sa taglay nitong katangkaran at kapogian.
"Ulysses!" Sigaw ko pabalik sa kanya atsaka mabilis itong nilapitan.
His smile grew wider when he saw me running at him.
Ganyan nga Ulysses, ngumiti ka lang sa akin, huwag kang titingin sa iba kundi sa akin lang.
"I'm glad you waited for me," aniya nang magkatabi na kaming dalawa.
"Ikaw pa? Siyempre hihintayin kita." He chuckled after hearing what I've said before placing his arm over my shoulder. Kaagad naman akong kinilig dahil don.
Ang bango-bango talaga niya. Gusto kong dumikit sa kanya buong araw.
"Nga pala, masakit parin ba yung pasa mo?" Bulong ko sa kanya nang sabay naming ilagay ang ilan naming mga gamit sa aming locker. At oo, pati locker namin ay magkakatabi.
"Medyo, pero ayos lang naman. Nasanay na rin ako."
"Gusto mong i-warm compress natin 'yan mamaya?"
"Sure, I don't mind at all if it's you." He then gave me his signature killing smile that will stop my heart for a second. Sapol sa pana ni kupido ang dibdib ko.
Last weekend, napasabak ang frat namin sa gulo dahil dalawa sa mga miyembro namin ang nagsumbong na ginalaw di umano sila ng kabilang grupo.
Gulat na gulat ako nang makita kong puno ng pasa ang isa nilang braso habang may ilang sugat sila sa ibang parte ng katawan.
Nang malaman ni Ulysses ang tungkol don, kaagad itong umaksyon para sa mga kasamahan namin.
Ulysses never let me join this kind of fights. Mga community program lang ako sumasali kasama nila. Hindi naman puro gang fights and inaatupag nang grupo namin, we're more likely in doing community services these past few years.
Minsan ay hindi lang talaga maiiwasan ang mga ganito lalo na't may karibal na kaaway na talaga ang frat ni Ulysses mula pa noong highschool.
"I'll see you on your vacant." Pagpapaalam sa akin ni Ulysses matapos niya akong ihatid sa classroom ko.
"Sige, see you." He just smiled at me before waving his hand and walked towards his room.
Ito pa, isa rin 'to sa problema eh.
Hindi kami magkaklase sa ibang mga subjects, tsk!
"Narinig niyo ba ang balita na may transferee raw tayo ngayon?"
"Huh? Sa batch natin?"
"Oo."
"Pwede ba 'yon? Graduating na tayo eh."
"Pwede 'yon basta babayaran lang nang sakto yung university. Dami kayang nagagawa ng pera."
Ke aga-aga pero puno na nang chismis 'tong classroom. First day na first day pa naman.
As usual, I took the seat closer to the aisle, letting the seat beside me empty. Ayaw kong umusog kung meron mang magpapausog sa akin sa dulo. Ayoko sa may bintana dahil ang liwa-liwanag.
Tsaka hindi ko masyadong nakikita ang pisara kapag nasa dulo ako.
"Doti-girl!" Nang marinig ko ang boses na 'yon, kahit na hindi ko ito lingunin ay kilalang-kilala ko na kung sino 'to.
Siyempre sa college, hindi lang si Ulysses ang taong malapit sa akin.
Isang mahigpit na yakap ang kaagad na sumalubong sa akin paglingon ko sa direksyon nila.
"Divine, Drake, bakit kayo andito?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Divine is my closest female-batchmate. Naalala ko si Unice sa kanya-- kikay, babaeng-babae talaga, tsaka grabe yung energy tuwing umaga.
While Drake on the other hand is her cousin, he's bisexual and currently may girlfriend ito. Naging close kami ni Drake nang dahil kang din kay Divine.
Kung tutuosin parang magkapatid talaga silang dalawa at hindi magpipinsan.
"Namiss din kita, Doti-girl. Siyempre nagpunta kami rito para kami ang una mong makikita sa first day."
"Actually, nagkita kami ni Ulysses kanina lang."
"Ganon?" Napairap ito pagkatapos. Selosa 'to eh, pinagseselosan niya si Ulysses lalo na't mas nakakasama ko ito ikukumpara sa kanilang dalawa ni Drake.
"Hi Drake, kamusta? Ang ganda ng girlfriend mo sa YG post mo nong isang araw." Nakangiti kong saad sa kanya na ikinangiti naman nito.
"Oo nga eh, sayang at pabalik na rin siya ng Mexico next week."
Ah oo nga pala, LDR sila.
"Kita na lang tayo mamaya, Doti, mukhang andito na ang prof mo," sabi ni Drake sabay hatak ng pinsan niyang dumidikit parin sa braso ko matapos niyang makita ang isang matandang babaeng pumasok.
Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa nang palihim silang umalis ng classroom gamit ang kabilang pinto sa pinakalikod. Kumaway sa akin si Divine habang hinihila parin siya ni Drake paalis.
Nagsasalita na ang prof namin sa harapan nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Nakita kong nagsend kaagad ng picture si Divine sa GC namin, nasa loob na sila ng classroom kaya nagheart react lang ako dito.
Nang magnotify ang isa ko pang GC, hindi ko maiwasang kumunot ang aking noo nang sunod-sunod na magchat doon ang dalawa kong pinsan na sina Xyra at Gab.
Ngayon lang ulit nabuhay ang GC na 'to matapos ang ilang taon.
Busy na kasi kami sa college kaya hindi na rin kami gaano ka-updated sa isa't-isa.
Gab: Narinig niyo na ba ang balita @everyone?
Xyra: Narinig ko na!
Gab: Hindi ako makapaniwala na babalik ulit siya.
Xyra: Same. Nagseen na si Doti!
Gab: Dorothy Sage! May alam ka na ba?
Ano ba ang meron sa dalawang 'to?
Biglang nagseen ang profile ni Unice kaya kaagad din akong napaderetso ng upo. Unice and I haven't seen each other lately simula nong nagpasya itong mag-apartment last year.
Pero nag-uusap parin naman kami through chats and text messages, pero yun nga lang, hindi na rin ganon kadalas.
Doti: Anong meron?
Gab: Ay di pa alam.
Xyra: Hm, outdated naman 'yan palagi.
Gab: Hahaha!
Seen lang ng seen si Unice hanggang sa nagtatyping na ito.
Unice: He's back. Real is back.
Natigilan ako sa aking nabasa at hindi maiwasang mapatulala sa screen ng aking phone.
Bigla na lang nagbalik sa akin ang alaalang matagal ko nang binaon sa hukay. Isang alaalang ayoko nang alalahanin pa ulit kailanman.
Sa sobrang gulat ko ay ni hindi ko man lang binigyan nang pansin ang pinagsasabi ng prof namin. Kahit na medyo umingay ang buong klase ay hindi ko rin ito magawang pinansin.
Real is back.
Bakit pa siya bumalik?!
Bakit?!
"Excuse me, may I?" Natigilan ulit ako sa aking pwesto nang may maramdam akong isang presensiya sa aking tabi.
Someone is standing right beside me at dahil kanina pa ako tulala, ni hindi ko man lang ito napansin dahil nakayuko lang ako sa cellphone ko!
"P-Pasensya na, hindi ko--" Sa pagtayo ko ay biglang nahulog ang aking bag sa sahig kaya dali-dali akong lumuhod para kunin ang mga gamit na nahulog mula roon.
Ngunit nang ibigay sa akin nong estranghero ang isa kong notebook na may keychain na naka-acttached sa spring nito, bigla akong natigilan nang mahina itong napatawa.
"I can't believe you're still actually using that." This keychain is from the archery club where I managed years back then when I'm still in high school.
Nang tignan ko ito sa mukha, hindi ko inaakalang ganon ako kabilis manalangin na sana ay kainin na lang ako ng lupa ngayon.
"Real?" I almost whispered his name under my breath.
Sa pagkurap ko ay ganon pa rin, nasa mismong harapan ko talaga siya. This is indeed real.
Sabay kaming napaderetso ng tayo matapos kong yakapin ang aking bag atsaka siya hinayaang magpunta sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Hindi ito kumibo at basta-basta lang akong nilagpasan habang nakasakbit ang bag niya sa isa nitong balikat.
Mas lalo itong tumangkad ngayon at mas lalong lumaki ang pangagatawan. His voice became deeper and darker to listen, and his face...
Nang lingunin ko ito, hindi nakatakas mula sa aking paningin ang isang bagay na nakasabit sa bag niya bago niya ito ibinaba sabay upo.
Funny, coz he's also the using the same keychain that I used.
Real and I are in the same archery club years back then.
And guess what?
We're the best rival.